Chapter Four

10 7 0
                                    

Hindi pa rin kami makapaniwala dahil sa nakita namin.

Bloody Academy, hindi isang ordinaryong eskwelahan. Sa lugar na ito, hindi mo alam kung makakalabas ka pa ng buhay. Sa lugar na ito ay hindi illegal ang pagpatay.

"Pwede maki-salo?" napatingin kami ni Izza sa babaeng nasa harapan namin. Siya 'yung babaeng nagdala ng mga gamit sa kwarto namin.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Kaso nga lang ay wala pa rin kaming ganang kumain. Sino ba naman ang hindi gaganahan, nakakita kaya kami ng lalaking pinatay! Pinatay ng teacher namin! At ang mas malupit pa, sabi nung kaklase namin ay itatapon daw ang bangkay sa isang ilog. Mga demonyo pala ang mga tao dito! Ginagawa nilang basura ang mga estudyante nila! Pinapatay nila ang mga hindi sumusunod sa rules! What the hell, ma-late ka lang ng 3 minutes patay ka na agad!?

"Sige," ani ko. Tumabi naman kaagad ang babae sa tabi ko.

"Ako si Gina." aniya.

"Hi Gina, ako si Dania at siya naman si Izza," sabi ko sabay turo kay Yzza. Nakatulala pa rin si Izza ngayon at halatang takot na takot siya. Ganon din naman ako.

"Siguro alam niyo na ang totoong batas ng school na ito?" tanong niya saakin.

Tumango ako bilang sagot. "Ba-Bakit hindi kayo umalis dito?" tanong ko sa kanya. Paano kasi nila nakakayanan ang lugar na ito?

"Hindi pwede. Bawal pa makalabas ang mga estudyante dito hangga't hindi ka pa nakakatapos ng highschool," aniya.

"Pero bakit hindi na lang kayo tumakas?"

Napangisi siya at napailing. "Hindi ka pa tuluyang nakakalabas, puro bala na ng baril ang aabot saiyo." aniya. Mas lalo akong kinalibutan dahil dito.

"E 'yung mga nakatapos, hindi ba sila nag-sumbong sa gobyerno?" tanong ko ulit.

"Hindi, hindi pwede. Dahil oras na ginawa nila ito, papatayin sila at lahat ng mga mahal nila." napabuntong hininga siya. "Katulad niyo ay mga biktima rin kami. Akala namin ay isa lamang itong ordinaryong paaralan pero hindi pala. Mga demonyo pala ang napapaligiran namin. Nasanay na rin nga kami na ganito dito e." aniya at yumuko.

Natahimik ako. Hindi ko akalain na meron pala talagang ganitong lugar. Bakit kaya nila ito ginagawa? Mga wala silang puso!

"A-Alam ba 'to ng mga magulang niyo?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi. Ang alam nila ay patay na kami," sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Huh? Paano nangyari 'yon?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Lahat ay kayang gawin ng pera. Pinalabas nila na patay na kami. At katulad namin, sigurado ako na ganon din ang ipinalabas nila sa magulang niyo,"

Napasarado ko ang kamao ko dahil sa galit. What the hell! Napakasama nila! Pano nila nagagawa ito sa mga inosenteng estudyante?!

Napatingin ako kay Izza dahil narinig ko ang paghagulgol niya.

"Ka-Kasalanan ko 'to Dania eh. I'm...I'm sorry," aniya at mas napahagulgol pa.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya saakin.

"Kaya natin 'to Izza. Makakalabas din tayo," sabi ko at pinunasan ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.

"By the way, bukas na ang bloody Friday."

Napatingin kami kay Gina. "Bloody Friday?" tanong ni Izza.

"Yes, bloody Friday. Ang bloody Friday ay ang araw kung saan pwedeng pumatay ang mga estudyante. Teachers man o estudyante, basta gusto at kaya mo, pwede." aniya at napayuko.

Pati mga estudyante ay natututo nang pumatay dahil sa mga kademonyohan nila! Mga demonyo talaga!

"Paalalahan ko lang kayo. 'Wag na wag kayo lalabas sa dorm niyo kapag 8 pm na. Maraming batay ang nasa labas. Papatayin nila lahat ng estudyante na makikita nila sa oras na iyon," sabi pa niya.

Ang lupit talaga ng paaralan na ito. Wala ka ngang kaylangang bayaran, buhay mo naman ang kapalit kung magkataon na magkamali ka.

"Eto," sabi niya sabay lapag ng dalawang pocket knife sa lamesa. Napakunot naman ang noo ko.

"Pang protekta niyo sa sarili niyo."

"P-Pero hindi namin kayang manakit, hindi namin kayang pumatay."

Napailing si Gina. "Sa lugar na ito, dalawa lang ang pagpipilian niyo. Papatay kayo, o mamamatay kayo. Ano ang mas mahalaga sainyo?"






Bloody AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon