Chapter Six

13 7 0
                                    

"Ano ba naman Joseph! Bago pa lang sila dito! 'Wag mo naman sila pagsalitaan ng ganyan!" pagsaway pa ni Gina sa kanila.

"I'm just telling them the truth Gina," sabi naman ni Joseph.

Unti-unti nang nabubuo ang galit na nararamdaman ko kay Joseph. Paano niya naman nasasabi 'yon? Alam niya ba ang future? Kilala niya ba kami para sabihin ang lahat ng 'yon? Hindi naman 'diba!? So wala siyang karapatan na sabihin 'yon saamin.

'Wag mo akong gagalitin Joseph, baka magkatotoo ang sinasabi mo!

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Ano ba ang iniisip ko? Hindi ko dapat iniisip ang ganong bagay! Mas lalo ko lang napapatunayan na tama ang sinabi niya.

Magsasalita pa sana si Izza pero agad na hiniwakan ko ang kamay niya. Napatingin siya saakin. Umiling ako sa kanya para sabihin na 'wag niya nang ituloy ang sasabihin niya para wala nang gulo. Tumango naman siya at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili niya.

Tumingin ako kay Gina at ngumiti. "I'm sorry Gina, sa ibang table na lang kami kakain. Mukhang hindi ata makakaya ng kaibigan mo na makisalo kami sainyo." sabi ko kay Gina.

"Huh? Pero--"

"It's okay Gina," sabi naman ni Izza.

"Tsk, mga sensitive," naiiritang  sabi pa ni Joseph.

Promise guys, ang sarap niyang sabunutan...

Hindi na namin pinansin ang sinabi niya. Tumayo kami at lumipat ng table, kung saan kaming dalawa lang.

"Nakakainis 'yung Joseph na 'yun bestie," sabi ni Izza.

"I know right..." sabi ko.

"Bestie, kuha muna ako ng juice. Saglit lang ako." paalam ko kay Izza. Tsk! Bakit ko kasi nakalinutan kumuha ng inumin?

Napakunot ang noo niya. "Huh? Sasama ako!" sabi pa niya.

"Hindi na. Saglit lang ako promise."

Habang naglalakad ako ay may isang babaeng tumatakbo sa dinadaanan ko. Lalayo na sana ako pero huli na ang lahat. Nagkabangaan kami at napunta ang burger niya sa uniform ko.

"I-I'm sorry miss," aniya.

"O-Okay lang." sagot ko at pilit na ngumiti.

"Naku! Hindi po okay 'yan miss! Malalagot ka kapag may nakakita sa'yo na teacher. Magpalit ka na kaagad."

Nataranta naman ako dahil sa sinabi niya. My god! Papatayin ba nila ako kapag nakita nila akong madumi?

"Sige,"

Nagmadali akong kumuha ng extra uniform ko sa locker ko. Natataranta na ako kaya  hindi na akp nakapagpaalam kay Izza.

Damn it! Baka nag-aalala na siya!

Halos patakbo na akong pumunta sa restroom.

Pagkapasok ko doon ay bumungad saakin ang grupo ng kababaihan.

Lima sila. At isa sa kanila ay ang nakabangga saakin at naka-mantsa ng uniform ko.

"Ikaw ang napili ng leader namin ngayon. Maghanda ka na dahil katapusan na ng buhay mo," nakangising sabi nung isang babae.

Sinubukan kong makaalis ng restroom, pero huli na ang lahat. May nag-lock ng pinto mula sa labas.

"Ready to die and go to hell?" sabi nung isa sa kanila.

Damn it! It's a trap!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloody AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon