Chapter Three

11 8 1
                                    

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

Agad niya namang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko. "Pasensya na, kaylangan ko nang umalis,"

Magsasalita pa sana ako pero agad na siyang lumabas ng kwarto namin. Tumingin ako kay Izza at naka-kunot rin ang noo niya. Halatang naguguluhan din siya.

"Sa tingin mo, tama ba na pumasok tayo sa kakaibang lugar na ito?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Huminga lang siya ng malalim.

Paano kaya kami mamumuhay dito?

Lumapit ako sa kama ni Izza. Merong apat na pares na uniform, dalawang pares ng sapatos, mga bag, libro at iba pa. Nakalagay din ito sa malaking plastic. Sa katabi ng plastic ay may isang papel na nakatupi. Agad ko naman itong binasa.

Rules:

*Rule #1: Bawal gumamit ng phone sa klase.
*Rule #2: Bawal lumabas sa dormitory kapag 8pm na.
*Rule #3: Bawal ma-late.
*Rule #4: Bawal mag-cutt ng klase.
*Rule #5: Bawal pumasok sa office ng principal.
*Rule #6: Kaylangan ay laging naka-uniporme.
*Rule #7: Bawal lumabas ng Bloody Academy.

Napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Bawal lumabas ng School? Seryoso ba 'to?

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa at agad naman bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa ko.

Disobey it and you'll regret it.

Napatingin ako kay Izza na nagtatakang nakatingin saakin. Lumapit ako sa kanya at ibinigay ang papel na hawak ko.

Nanlaki naman kaagad ang mga mata niya dahil sa nabasa niya.

"What should we do now?" tanong ko sa kanya.

...

"Bilisan mo na Dania! Rule number 3, bawal ma-late! Ayaw kong pagsisihan kapag na-late tayo!" sigaw saakin ni Izza.

Nataranta ako sa sinabi niya kaya mas binilisan ko pa ang pagbibihis. Magsisimula na kasi ang unang klase namin. Magka-section din kami ni Izza.

Inayos ko kaagad ang mga gamit ko at lumapit sa kanya.

"Sige, dali!"

Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at patakbong lumabas ng kwarto. Nakakataranta kasi. Naguguluhan pa rin kami ngayon. Hindi pa rin namin alam kung ano ang mga posibleng mangyari. Halos hindi nga kami makatulog dahil sa sinabi nung babae kahapon.

This school is a hell.

Hindi pa rin mawala 'yun sa isipan ko. Seryoso ba siya? Ano naman ang ibig niyang sabihin?

Mabilis kaming tumakbo hanggang makapunta sa classroom namin. Buti na lang ay hindi pa kami late.

Magkatabi kami ni Izdza sa upuan. Lahat ng estudyante ay nakatingin saamin. Hindi ko alam kung ano ang expresyon nila, hindi ko maipaliwanag.

"Magsisisi kayo dito," halos mapatalon ako sa gulat nung biglang magsalita ang isang lalaki na nasa tabi ko lang. Seryoso siyang napatingin saakin.

Mas lalo akong naguguluhan. Ano ba ang ibig nilang sabihin? Ano ang ibig nilang sabihin?

Magsasalita pa sana akp pero biglang pumasok ang isang babae.

"Good morning class," bati niya sa'min.

"Good morning Ms.Wendi Amurao." bati naman ng mga kaklase namin.

Ms.Wendi, so siya ang adviser namin.

Kumuha kaagad siya ng chalk at nagsimulang mag turo.

Napatigil ang lahat dahil isang lalaki ang pumasok ng classroom namin. Pinagpapawisan ito at nanginginig.

"You're late," madiin na sabi ni Ms.Wendi. Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki dahil dito.

"Alam mo naman na siguro ang kalalagyan mo?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ng lalaki dahil dito. Lumapit siya kay Ms.Wendi at lumuhod.

"Pl-Please! Ms.Wendi, forgive me! Pl---" Hindi na natuloy nung lalaki ang sasabihin niya dahil bigla itong sinipa ni Ms.Ann. Napahiga naman ang lalaki dahil dito.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil dito. What the hell! Anong klaseng guro siya?!

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil naglabas si Ms.Ann ng isang kutsilyo. Itinapat niya ito sa lalaki at---

"Wha--" hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil agad na tinakpan ng lalaking katabi ko ang bibig ko. Sinubukan kong makawala sa kanya pero masyado siyang malakas. Napatingin ako kay Izza at meron ding lalaki ang nagtakip ng bibig niya.

"Tumahimik kayo kung gusto niyo pang mabuhay," bulong saamin nung lalaki na nasaharapan ko.

Napatingin muli ako sa lalaking tinutukan ng kutsilyo ni Ms.Wendi at agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita ko.

Nagkalat ang dugo dahil pinagsasaksak ni Ms.Wendi ang lalaki...Pinatay niya ito...

Napatingin ako sa mga kaklase namin at wala silang ginagawa. Naka-iwas lang sila ng tingin.

What the hell! Ano ba ang nangyayari?!

"Pupunta lang ako sa C.R." sabi ni Ms.Wendi. "Dapat ay wala na 'yan dito pagpasok ko," sabi niya at lumabas ng pintuan. Agad naman tumayo ang isa sa mga kaklase ko at inilabas ang bangkay. Meron ding mga babae ang agad na naglinis ng mga nagkalat na dugo.

Dahan-dahan na inalis ng katabi ko ang kamay niya sa bibig ko. Hindi pa rin ako makasalita dahil sa nakita ko.

"What the just happened?" hindi makapaniwalang tanong ni Izza.

"Rule number three, bawal ang ma-late," sabi nung kaklase namin na nasa harapan ko. "Disobey the rules and you'll regeret it," aniya.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot.

"What the hell! Bakit wala kayong ginawa! O my god! Tatawag na ako ng pulis!"

Ilalabas na sana ni Izza ang phone niya pero agad siya pinigilan ng katabi niya.

"Subukan mo gawin 'yon, hindi lang ikaw ang mamatay, pati na rin ang mga mahal mo sa buhay," aniya.

Napatigil kami ni Izza dahil sa narinig namin.

"This place is not just a school, this place is a hell."

Bloody AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon