C H A P T E R F I V E
| PHIA POV |Sobrang saya ko ng makaluto ako ng tinola na walang tulong ng iba ngayon ko lang nasubukan ito kaya sabik na sabik na akong ipatikim sa kanilang lahat ang luto ko
Wala si Sebe ngayon kaya ako lang ang nandito kasama ang mga katulong nya
Medyo nahirapan pa akong kausapin sila dahil iniiwasan yata nila akong harapin
"Salamat po"
Masayang sabi ko sa isang babae na tumulong sa akin sa kusina hindi ko kasi masyado kabisado ang kusina dito bukod sa hindi naman ako nagluluto masyado rin kasing malaki kaya nalito ako kung saan nakalagay ang ibang gamit
Nginitian nya lang ako bago ituloy ang pagsasandok ng kanin
Tanghalian na ngayon dapat kanina pa ito naluto kaso nahirapan akong maghiwa ng mga gulay kaya medyo natagalan
"Ako na dito tawagin mo nalang mga kasama mo"
Pagaanyaya ko sa kaniya mabilis naman syang tumango at umalis para gawin ang sinabi ko sinusubukan ko rin kasing makipag mabutihan sa mga kasama ko dito sa bahay dahil kung close sila kay Sebe malamang magagawa ko rin silang maging close sa akin
Siguro kaunting push pa bago ko rin sila maging kaibigan lahat baka pagod lang sila sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng buong bahay na ito kaya hindi na nila magawa pang ngumiti
Iyon din ang isang dahilan kung baki ako ang nagpresinta na magluto ngayong tanghalian gusto ko silang paghandaan ng pagkain bilang pasasalamat sa pagtratrabaho at palaging pagaayos ng lahat dito sa loob ng bahay
Alam ko kasing napaka hirap noon lalo na dahil malaki ang bahay na ito ni Sebe pero sya lang naman ang nakatira I wonder why?
Nagmadali na ako sa paghain ng mga pagkain kasi nakakahiya naman sa kanila kanina pa ata sila nagaantay sa akin at sa pagkain
"Pasensya na natagalan ako sige kumain na kayo"
Nahihiyang sabi ko pa sa kanila at nginitian sila senyas na pwede na silang magsimulang kumain bumalik muna ako sa loob ng kusina para hubarin ang apron ko at naghugas na rin ako ng kamay bago bumalik sa lamesa at tingan kung ano ang reaksyon nila
"Kumain na rin ho kayo"
Hindi ako kaagad naka kilos ng kausapin ako ng isang babae sa kanan ko medyo matanda sya sa akin ng kaunti base sa itsura niya
"Sige salamat!"
Excited pa akong naupo sa tabi niya at sinabayan silang kumain mukha ngang napagod sila sa pagtratrabaho dahil ang lakas nila kumain
Napakasaya ko noong mga oras na iyon dahil sobrang nagustuhan nila ang luto ko
Ako na rin ang nagpresinta na sumandok ng panibagong ulam at kanin hindi ko alam pero parang gusto ko lang na pagsilbihan sila nakakagaan ng loob lalo na ngayong feeling ko malapit ko na sila maging kaibigan
"Sige kain pa kayo!"
Pagmumuestra ko pa sa kanila habang kumakain din nakailang tayo pa ako para magsandok ng panibago ang iba sa kanila humirit pa na magbabaon daw para ulam ng nobyo nila
Gusto ko rin sanang ako na ang maghugas ng mga plato pero nagpumilit sila na sila nalang daw dahil trabaho daw nila iyon sakto rin ang pagdating ni Sebe kaya hinayaan ko na sila doon
"Hey!"
Sinalubong ko kaagad siya ng isang mahigpit na yakap pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay
"Ang saya mo ngayon ah"
Aniya hindi makapaniwalang nakatingin sa akin
"I had so much fun today!"

BINABASA MO ANG
FINDING NO ONE
Teen FictionDoes all the memories we shared together was just a dream or he just don't remember that I am his fiancee? PUBLISHED: Feb 14,2019 R18+