PROLOGUE

16 2 0
                                    

I Can't Date A Gangster


"Handa na ba ang lahat?" tanong ko sa kagrupo ko.

"Yes boss!" sagot nilang lahat.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at kinuha ang baseball bat. Lumabas na kami ng hideout at nakita kona agad ang kabilang grupo.

"Pwede pa sana nating idaan sa usapan to pero mas pinili mo ang sakitan." - leader ng kabilang grupo.

"Kung natatakot ka pwede ka namang umatras." - ako.

"Para sa mga duwag lang ang bagay nayan, hindi ako nananakit ng babae kaya maswe--" - putol na sabi ng leader nila.

"Tama na ang satsat nandito tayo para maglaban hindi para mag-usap dahil kung ako din ang tatanungin mo hindi rin ako nananakit ng daga nasakto lang na wala akong ibang mapagpipilian ngayon." - saad ko.

"Tsk! Masyado kang mayabang." - leader ng kabilang grupo.

Tahimik akong lumapit mismo sa harap niya at tinignan siya sa mata.

"Masyado kang madali para saakin." - nakangising saad ko sabay talikod sakanya.

"Boss!" sigaw ni Sam.

Mabilis pa sa alas kwatro na humarap ako sa leader ng kalaban at hinampas sa mukha niya ang baseball bat na hawak ko, tumba. Sabi na nga ba madali lang to sana hindi na ako nag-aksaya ng oras.

Kinuha ko ang upuan sa gilid at umupo sa gitna.

"Lumaban ang sino mang gustong lumaban." - maikling saad ko sakanila.

Ibinigay ko ang hudyat ko sabay ng paglusob nilang LAHAT? tsk. Kahit kailan matakaw sa gulo ni hindi man lang umabot sa bente minutos ang laban.

Pumasok ako sa loob at doon sila hinintay.

"Sam, may natira pa bang may malay sakanila?" - tanong ko sa kakapasok palang na si Sam kasama ang grupo.

Nagkamot siya sa ulo at nagkanya kanyang iwas sila ng tingin. Tsk, pasaway.

"Sam, kunin mo ang kotse at ihatid mo silang lahat sa hideout nila isama mo si Tom." - pag-uutos ko.

"100 push ups, 100 sit ups and 5 times na drill training, for all of you." - saad ko sakanila.

"Boss pati kami?" - tanong ni Sam.

"Now!" - sigaw ko.

Nagkanya kanyang kilos naman agad sila. Agad na umalis sila Sam at agad na gumawa nang linya sa harap ang ibang miyembro at nagpush-up habang sabay sabay na nagbilang.

Pinaka rule sa gang, mag-iwan ng isa o dalawang miyembro sa kabilang gang na may malay o medyo nakakagalaw pa para maka tawag siya ng tutulong sakanya sa pagbabalik ng mga walang malay na miyembro niya sa hideout nila, pwera nalang pag kinakailangan na. Bukod sa hassle ang paghahatid ayaw rin namin na may masaktan habang hinahatid nila ang kalaban sa hideout, baka may magising at lumaban ulit gamit ang baril, masyadong delikado.

Miya miya pa dumating na si Sam at Tom, mukhang wala namang nangyaring masama, mas mabuti. Nagsimula na rin silang mag push up.

"Aalis na muna ako." - pagpapaalam ko sabay suot ng jacket.

"Magpapadeliver nalang ako ng makakain niyo dito." - saad ko.

"Yes!!" - sigaw ng isang member.

"Wohh! Kaya sayo kami eh Boss!" - sigaw ng isa pa.

"Free Foods!!" - sigaw din ni Sam.

I Can't Date A GangsterWhere stories live. Discover now