CHAPTER 1: THE BAD GUYS

7 2 0
                                    


I Can't Date A Gangster


Matapos nilang umalis kinuha ko na agad ang motor ko at pumasok sa pad ko. Binuksan ko agad ang computer ko para I check ang CCTV at i-copy ang footage para maipakita ko kay Tom, kailangan kong kilalanin ang leader nila dahil walang ibang nakakaalam kung saan ako natira pwera sa gang mates ko. Delikado to.

Matapos kong maligo, nilinis ko ang sugat ko sa braso ko dulot ng pagbaril nung lalaki kanina. Lumabas ako ng kwarto ko at chineck ang bawat gamit at sulok ng bahay, kung may nasira o nawala pero wala naman.

Pinanood ko muna muna yung footage bago umalis. Higit isang oras silang nag-aantay at bantay na bantay, wala rin silang idinikit na kahit ano sa pader o sa gate at hindi rin nila pinasok ang pad ko, nakakapagtaka.

Umalis na ako tsaka dumiretso sa hideout, pagpasok ko nakita ko silang kumakain at pawis na pawis kakatapos lang siguro nila sa pinapagawa kong parusa. Lahat sila napatigil sa pagkain at nakatingin sa gawi ko na parang gulat na gulat, dumiretso sila nang tayo pero bago pa sila magsalita inuunahan kona sila.

"Sige ituloy niyo lang ang kinakain niyo." - saad ko.

"Salamat sa pagkain boss!" - isa isang sigaw nila.

"Walang anuman" - saad ko.

"Nga pala pagkatapos niyo diyan maligo na kayo at pumunta sa basement, may pag-uusapan tayo." - seryosong sabi ko sakanila.

"Yes boss!" - sabay sabay na sabi nila.

Pumunta na agad ako sa basement kung saan sila/kami natutulog, nandito rin ang mga gamit namin mga tracking device, computers, gadgets, baril at mga pang laban na bagay.

Pumunta ako sa meeting room at inayos ang gagamitin ko doon, ipapakita ko sakanila ang CCTV footage sa pad ko.

Pagdating nila umupo na agad sila sa pwesto nila, sinimulan konaring I-play ang footage.

"Etong mga itchura netong tatlong lalaki to kilala niyo ba? O pamilyar ba kayo sa mga mukha nila na nakalaban natin?" - paninimula ko.

Tinignan nilang maigi ang itsura ng tatlong lalaki na ipinakita ko atsaka sila umiling.

"Sa suot naman, wala ba kayong alam na ibang gang na may suot niyan?" - tanong ko ulit at umiling naman sila.

Kahit ako din ang tatanungin hindi ko rin sila kilala at wala pa akong nakitang gang na may ganyan ka pormal ang suot, siguradong mayaman ang leader nila.

Umupo ako sa lamesa ko at nag-isip, sinong gang naman ang gustong kumausap saakin? O baka naman hindi sila isang gang? Natigil ako sa pag-iisip nang mag tanong si Sam.

"Bakit boss? Sinugod ka ba?" - medyo galit na tanong niya.

"Inantay nila ang pagdating ko at sinabing gusto akong kausapin ng boss nila. Hindi ako pumayag kaya nagsimula na silang kumilos." - paliwanag ko sakanya.

"Kaya pala dumudugo ang braso mo" - saad ni Alex at tumayo.

Tinignan ko naman, dumudugo nga tsk! Nawala yung anggas ko.

I Can't Date A GangsterWhere stories live. Discover now