I Can't Date A Gangster
Nauna akong bumaba sa private plane ng boss ko at sumunod naman siya, inantay ko siyang makababa at makalapit sa tabi ko tsaka kami pumasok sa sasakyan na nag-aantay saamin.
Umupo ako sa harapan ng sasakyan at siya naman sa likod. Tahimik lang ang byahe namin, maraming coconut tree na isa sa mga sikat sa Surigao, ang numero uno kasi dito ay ang surfing (surfing capital of the Philippines). Walang nagbago, maganda parin ang lugar na ito.
Ilang minuto ang nakakalipas nang mapansin ko ang dinadaanan namin, mukhang papunta ito ng Cloud 9, amoy na amoy mo ang dagat.
"Sa Cloud 9 po ba tayo?" - tanong ko sa driver.
"Oo, nakapunta kana dito?" - tanong niya at tumango lang ako.
Nang makarating kami sa entrance ng Cloud 9, bumaba na agad ako at inantay ang boss ko na bumaba sa sasakyan.
Tinignan ko ang lugar at napangiti, wala talagang nagbago maganda parin dito, ang mga mapuputi at pinong mga buhangin kasabay ng malakas at mapreskong hangin.
"Let's go," - saad ng katabi ko at naunang mag lakad, sumunod naman ako sakanya.
Pumunta kami sa unahan kung saan may mga nagtitinda ng mga inumin at pagkain nang may tumawag sa pangalan ng boss ko.
"Kenji!!!" - sigaw ng isang babaeng naka two piece habang tumatakbo papunta sa boss ko, ngumiti naman ang katabi ko at nag yakap sila.
"Damn, I miss you," - saad ng boss ko.
"I miss you more," - sagot naman nung babae at humiwalay sa yakap tsaka tumingin saakin.
"Hi! Are you Kenji's girlfriend? " - masiglang bati niya saakin tsaka lumapit at hinawakan ang kamay ko.
"Of course not!" - dipensa ng boss ko.
"You're too defensive!" - saad ng babae.
"By the way my name is Patrice you can call me Pat and I'm Kenji's sister," - masiglang saad niya at nginitian ko siya.
"I'm Ashton, call me Ash his new assistant," - pagpapakilala ko.
"Omg I like your name, it sounds like a boy and a girl at the same time hihi," - saad niya.
"Thanks," - maikling sagot ko.
"Tara sa tulay," - yaya ng boss ko.
"Let's go!" - saad ni Pat tsaka kami hinatak dalawa.
Naglakad lakad kami sa tulay at napansin ko ang dagat na low tide kaya maraming nag susurfing, parami na nang parami ang tao dito.
"What are you doing here Kenj?" - tanong ni Pat sa kapatid niya.
"Some business," - sagot naman ng boss ko.
"Wait! Don't tell me magpapatayo ka dito ng business mo!?" - excited na tanong ni Pat at tumango naman si Kenji.
"Oww shit! Wahhhh! Really!? I'm proud of you buddy!" - saad ni Pat at niyakap si Kenji.
YOU ARE READING
I Can't Date A Gangster
RomanceIf love is a war Would you fight for it? Would you die for it? Would you take the risk? Or would you run away? You have two choices Fight for your love or Run for your life. (On-going)