CHAPTER 3:MEETING THE BOSS

6 2 0
                                    

I Can't Date A Gangster

Nagpark kami mula sa hindi kalayuan, madilim ang lugar at walang ilaw ni isa.

"Eto na ba yon?" - tanong ko kay Tom.

"Yes boss" - sagot niya.

Lumapit ako sa kung nasaan may magkabilaang bakod at lagusan sa gitna tsaka tinignan ang bawat gilid nito. Pinulot ko yung malaking bato sa gilid tsaka umatras sabay hagis sa bato sa pagitan ng bakod, biglang nahati sa tatlo ang bato at may lumabas na laser.

"Flashlight" - maikling sabi ko at may lumapit naman agad saakin.

Hinukay ko ang nasa kanang bakod sa ilalim nito at nakita ko ang wire ng laser na ginamit nila, mas madali to sa inaakala ko.

Kinuha ko ang bato sa gilid para putulin ang wire. Hindi ako pwedeng gumamit ng metal dahil baka makuryente ako o kaming lahat dahil sa metal na meron kami sa katawan, masyadong malakas ang kuryente neto lalo na't laser kaya't maaring makapatay.

Naputol ko na ang dalawang wire at natanggal na ang laser. Hindi na ako nagdalawang isip na pumasok pa sa loob, hindi na sila pwedeng maglagay ng maraming patibong dito lalo na kung ganito kalaki ang lugar, ikakapahamak lang nila.

Nagdire-diretso ako papunta sa isang malaking gusali at sumunod naman ang mga kasamahan ko. Nasa harapan ako ng malaking pintuan at tumingin sa camera at nagsalita.

"Wala akong balak na manakit gusto ko lang kausapin ang boss niyo at kung ikaw man yan, gusto kitang makausap ng maayos nang walang nasasaktan kahit isa sa tauhan nating dalawa." - mahabang saad ko sa camera.

Kinuha ko agad ang kutsilyo ko sa bewang ko at hinagis sa lalaking papalapit sa gilid namin, tsk kinakausap na ng maayos eh.

Lumapit agad ako sa lalaking hinagisan ko ng kutsilyo na hawak na ngayon ng kasamahan ko. Kinuha ko ang kutsilyo tsaka lumapit ulit sa camera ng pintuan.

"Sige, mamiya na tayo mag-usap pagnahanap na kita." - saad ko tsaka ngumiti.

Tinusok ko ang camera gamit ang kutsilyo ko at nagsimulang magsilabasan ang mga kalaban.

"Tsk! Ang sino mang matamaan sainyo, malalagot!" - sigaw ko sakanila na ikinangisi lang nila, hambog.

"Tom paki buksan to." - saad ko kay Tom, lumapit naman agad siya.

Tinignan ko ang mga kalaban namin, marami siyang tauhan pero iba ang suot ng mga ito kesa sa suot nung mga nag-aabang sa pad ko.

"Tom sigurado ka ba talaga na tamang lugar ang pinuntahan natin?" - paninigurado ko kay Tom.

"Wala kabang tiwala saakin?" - tanong niya pabalik.

"Ayoko lang manggulo ng ibang tao lalo na kung wala namang ginagawang masama saatin." - sagot ko.

Sampung minuto pa kaming nag-antay at natapos na ang kasama ko sa mga kalaban at ganun din si Tom sa pintuan. Pagbukas ng pinto, kung gaano kadilim sa labas ganun kaliwanag sa loob. Bago ako pumasok tinignan ko muna ang mga kasama ko.

"May natamaan ba?" - tanong ko.

Tsaka sila tinignan isa isa at doon ko rin nakita si Alex na nasa hindi kalayuan.

I Can't Date A GangsterWhere stories live. Discover now