I Can't Date A Gangster
Papalabas na ako ng hideout nang makasalubong ko si Alex, nakapasok na siya kahapon nung wala ako, pinapasok daw siya ni Sam, tsk.
Dumiretso lang ako ng lakad at hindi siya pinansin, sumakay ako ng motor ko at tinananggal ang stand ng magsalita siya mula sa likod ko.
"Hindi mo talaga ako papansinin?" - tanong niya.
Tinignan ko lang siya tsaka sinuot ang helmet ko at umalis na, manigas ka.
Papunta ako ngayon sa BVV (Baildon's Vintage Vinos). Sinabi ni Mr. Baildon, siya ang magpapakilala saakin kay Kenji para hindi manghinala ang anak niya, isekreto ko rin daw na isa akong gangster dahil sigurado daw na tatanggi siya.
Nang makarating na ako ng parking lot bumaba agad ako at dumiretso sa harap ng elivator kung nasaan si Mr. Baildon, nakita niya ako at ngumiti saakin tumango lang ako bilang sagot.
"Magandang umaga," - saad niya at pumasok sa elivator.
"Hmm..." - tugon ko at tumabi sakanya.
"Alam mo na ba ang mga sasabihin mo?" - tanong niya.
"Kailangan pa po ba ng iskrip to?" - pabalik na tanong ko.
"Hahaha hindi naman hija, may tiwala naman ako sayo," - sagot niya.
Hindi na ako sumagot at inaantay nalang na magbukas ang elivator, nang makarating na kami sa 30th floor lumabas agad si Mr. Baildon at tumingin naman agad saamin ang mga trabahador sa loob, bilang lang ang mga tao at nasa 10-15 lang sila.
Gulat silang napatingin saamin tsaka bumati kay Mr. Baildon, nginitian niya naman ang mga ito bilang sagot.
Masasabi mo talagang malaki ang kita nila mula sa lawak ng espasyo ng opisina nila, sa mga kagamitan, sa mga trabahante at iba pa. Kung gaano naman sila kayaman ganon din sila kadelikado.
Dumiretso na agad kami sa pintuan ng office partition, kumatok naman si Mr. Baildon tsaka ito binuksan, nakita namin ang isang lalaki na nakikipaghalikan sa isang babae, mukhang secretary niya dahil sa suot at hawak niya. Tumikhim naman si Mr. Baildon na nakakuha ng atensyon nila, tumigil sila sa ginagawa nila at tumingin sa gawi namin.
"I don't need her," - walang ganang saad nung lalaki.
"Son, she's here to work," - sagot ni Mr. Baildon.
"Yeah? To protect me?" - sarkastikong tanong niya.
Habang nag-uusap sila nakatingin lang ako sa glass window kung saan kita mo ang mga gusali at mga sasakyan, napaka ganda.
"How can a girl protect you?" - pabalik na tanong ni Mr. Baildon.
Bago pa makapag salita ulit ang anak niya nagsalita na ako.
"I'm Ashton Diaz, your new assistant" - pagpapakilala ko.
"I didn't accept you yet," - masungit na sagot niya.
YOU ARE READING
I Can't Date A Gangster
RomantikIf love is a war Would you fight for it? Would you die for it? Would you take the risk? Or would you run away? You have two choices Fight for your love or Run for your life. (On-going)