I Can't Date A Gangster
Nandito kami ngayon sa meeting room, kakatapos lang namin mapagkasunduan ang nangyari kahapon. Pumayag halos lahat ng kasama ko, bukod daw sa pagbabantay lang ang gagawin may sari-sarili din daw silang panangangailangan na gusto nilang paghirapang makuha, kesa ibigay lang namin agad sakanila nang wala silang ginagawa.
Sumang-ayon ako doon, ang magiging kapalit ng pagbabantay namin sa anak niya ay kahit ano, bawat isa saamin ay bibigyan niya ng kahit anong gusto namin mahirap man ito o madali.
Kung ako lang ang tatanungin wala na akong ibang gusto, nasa maayos na kalagayan ang pamilya ko, may sapat na pera ako, masaya rin ako sa kung anong meron ako sakto na iyon para saakin, pero para sa mga kasama ko tatanggapin ko ito.
Lumabas ako sa hideout at tinawagan ang numero na binigay saakin ni Mr. Baildon kahapon. Nag ring ang telepeno at may sumagot agad nito, walang nagsalita ni isa saamin kaya ako nalang ang nauna.
"Maari ko bang makausap si Mr. Baildon?" - tanong ko.
"Si Ashton ba ito?" - tanong nang kabilang linya.
"Ako nga" - maikling sagot ko.
"Papunta na kami diyan" - sagot niya at ibinaba ang tawag.
Pumasok ako sa loob at duon sila hinintay. Miya miya pa pumasok na si Mr. Baildon at ang mga tauhan niya habang katabi naman niya ang kawani niya.
Tumayo ako at lumapit kay Mr. Baildon para sana makipagkamay pero bigla niya akong niyakap sandali at umatras.
"Pasensya na hija masyado kasing pormal ang pakikipag kamay." - saad niya na ikinatango ko lang.
"Eto ba talaga ang lugar niyo? O may sikretong daluyan pa ito?" - tanong niya.
"Sumunod kayo saakin at kung maari lang sana na walang magdadala ng baril, kutsilyo at mga bagay na pwedeng makasakit sa kapwa." saad ko habang naglalakad kami papunta sa basement.
"Oo naman, wala kaming reklamo sa bagay na iyan." saad niya at sumunod naman sakanya ang mga tauhan niya.
Pumasok na kami sa loob at dumeretso sa meeting room, nakasunod lang sila saakin habang nasa likod ko rin si Sam at Tom habang si Alex naman hindi ko parin pinapapasok simula kahapon.
Nang makarating na kami dumeretso ako sa lamesa ko at duon umupo, inantay ko din makapasok lahat ng tauhan niya na nasa likod habang siya ay nakaupo sa harap.
"Ano ang naging disisyon ninyo?" - tanong ni Mr. Baildon.
"Sumasang-ayon kami sa gusto mo." - sagot ko.
"Nagagalad akong marinig ang sagot ninyo." - nakangiting saad niya.
Lumapit naman ako sa upuan na nasa tapat niya at doon ako umupo.
"Ano ang plano mo?" - tanong ko sakanya at sumeryoso naman ang mukha niya.
"Habang inaayos namin ang problema namin sa gang na kalaban namin ang kailangan niyo lang gawin ay bantayan ang anak ko lalo na sa gabi, ikaw ang ipapasok ko sa opisina niya para mabantayan mo siya ng maayos at ikaw na ang bahala magpalakad sa mga kasamahan mo." - mahabang saad niya.
YOU ARE READING
I Can't Date A Gangster
RomanceIf love is a war Would you fight for it? Would you die for it? Would you take the risk? Or would you run away? You have two choices Fight for your love or Run for your life. (On-going)