Chapter 03

54 15 0
                                    

[ Chapter 03 ]

"NASA'N NA SIYA?" Tanging nasabi ko nang bumukas muli ang mga ilaw at nasilayan ko muli ang paligid. Nawala ito na parang bula sa aking kamay at naiwan na lamang akong mag isa.

Biglang dumami ang mga tao sa paligid; lahat sila ay may kasama at magkahawak ang mga kamay. Lalo akong nagtaka nang biglang sumayaw ang lahat habang may musika na itinutugtog mula sa plaka. Kanina na tahimik lamang ay ngayon ay napuno na ng okasyon sa bawat gilid na aking nakikita.

Lahat ng mukha nila ay nakasuot ng maskara, kaya hindi ko masilayan o mamukaan ang babaeng nakausap ko kanina. Susubukan ko rin sana na pakinggan ang boses nito ngunit masyadong malakas ang musika.

May dumaan sa harap ko, kaya nilapitan ko ito. "Excuse me, maari po bang magtanong sa inyo?" tanong ko, sabay hinila ang isang babae na nakasuot ng maskara at puting gown. Ang boses ko ay puno ng pag-aalala habang sinusubukan kong makakuha ng paliwanag.

"Sure, nagtatanong ka na rin naman," napangisi ako sa sagot nito."But before that, you should wear a mask," sagot niya ng may malumanay na tono, sabay inabot ang tuxedo at asul na maskara sa akin. Mukhang sinisikap niyang ipaliwanag ang sitwasyon habang sinisikap ding bigyang-diin ang kahalagahan ng pagsunod sa mga patakaran ng lugar.

Nagkaroon ng pagtataka ang aking mukha habang pinagmamasdan ko ang kanyang mga galaw.

Tinignan ko muli ang kapaligiran at halos lahat nga ay naka-maskara maliban sa akin. Ang tanong ko ay lumabas na puno ng pagkalito at pag-aalala. "Bakit kailangan ko mag maskara?"

"Dahil ang araw na ito ay selebrasyon para sa namatay na masamang namumuno rito noon," sagot niya nang may kaunting sinseridad sa kanyang tinig, sabay inabot ang tuxedo at asul na maskara sa akin. Tila gusto niyang ipakita na mahalaga ang pagsunod sa tradisyon, kahit na ito ay nagdudulot ng higit pang katanungan.

"Kamatayan ng masamang namumuno rito?" tanong ko nang may malalim na pagtataka, habang dahan-dahang tinatanggap ang inaabot niyang damit, ang boses ko ay puno ng pagkalito habang tinatangkang unawain ang bagong impormasyong ito.

"Huwag ka na maraming tanong, just wear this one para hindi ka masita ng mga guwardiya bilivida," sabi ng babae habang iniabot sa akin ang tuxedo at maskara, ang tono niya ay tila nagsusumamo na magmadali ako.

"Guwardiya bilivida?" tanong ko nang may kalituhan, ang boses ko ay puno ng pag-aalala.

Gusto ko sanang itanong pa ang iba, ngunit nakaramdam ako ng takot sa banta ng guwardiya. Kaya naghanap na ako ng banyo upang doon magbihis ng aking susuotin. Tuluyan ko na siyang iniwan at patuloy na rin itong nagdiwang kasama ng maraming tao rito.

Nakakamangha ang iba dahil tila kaya nilang kontrolin ang kanilang pamumuhay dito. Ngunit ako? Hindi, hirap na hirap pa rin ako hanggang ngayon.

Pagkatapos kong magbihis, tinignan ko ang aking sarili sa salamin. "Ang gwapo mo, Kairo Martino," sabi ko sa sarili ko na may halong pagkamangha habang pinagmamasdan ang sarili kong mukha at kasuotan.

Alam kong mahangin ako, pero di naman ako marunong magsinungaling.

"Good day everyone!" biglang umalulong ang tinig mula sa labas, at kasabay nito ang paghiyawan ng lahat.

Nagmadali na akong magsuot ng maskara nang marinig ko ang pagbati.

Pagkalabas ko sa banyo na aking pinagbihisan ay hinanap ko agad ang pinagmumulan ng boses. Hanggang sa makita ko ito sa itaas, kung saan ito ay lumilipad.

"Wow, totoo ba ang nakikita ko?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa taas na puno ng pagkamangha.

"Yes po, totoong nalipad siya. Siya na rin ang bagong namumuno rito," sagot ng katabi kong babae na may seryosong tono ngunit may halong paggalang.

Magical Realm of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon