Chapter 7

42 26 0
                                    

Hestia's POV

Ang sayaaaa kooo ngayooom yieeee may bagong sapatos pa ako at mamahalin pa gulat si mama nung nakita nya yung sapatos ko kagabi eh hahaha! Sabi ko nalang gift ng kaibigan ko shhh!

Nandito ako ngayon sa classroom nakikinig ng music sa cellphone kung keypad.

Oo keypad lang hindi touchscreen eh ano naman nagagamit ko naman to tsk.

Nagulat ako nung biglang may humablot sa cellphone ko nung inangat ko ang ulo ko si manliliit pala.

"Anong gagawin mo sa cellphone ko ha!? Ibalik mo yan!"

"Eh kung ayoko"

Kaya tumayo na ako at kinuha pero sadyang matangkad sya eh.

Nung hahablotin ko sana ay natumba kami at napahiga sya habang ako nasa ibabaw nya.

Tinitignan ko ang mata nya.

'Ang ganda kulay brown' sabi ko sa isip ko

Nung nakita kung pinapalibotan kami ay agad akong tumayo at tumayo nadin sya pero hawak nya parin cellphone ko.

'Awkward'

"Sabing akin nayan eh! May cellphone na ka naman ang ganda panga kaya ibalik muna sakin ang cellphone ko!" Sigaw ko pa

"Tsk!" Singhal nya

"Ito ang cellphone mo? Nagpapatawa kaba?" Natatawang sabi nya.

Marami ring natatawa nung nakita ang phone ko.

"Eh ano naman kung yan lang ang cellphone ko!? Bakit? Mamamatay ba ako pag yan lang yung cellphone ko? Hindi naman ako katulad nyo na sinasayangan ang pera sa mga walang kwentang bagay!" Sigaw ko

"Akin nanga yan!" Dagdag na sigaw ko pa.

"Ayoko nga! Kunin mo" sabi nya

Kukunin ko sana pero hinagis nya sa labas.

Oh may gashh ang cellphone ko huhuhuhuhu.

Tiningnan ko sya ng masama

"Opss my bad!" Sabi nya sabay takip ng bibig nya.

"Kunin mo na doggie tsu tsu tsu (tunog po yan pag tinawag yung aso hehehe)."

Kaya agad akong lumabas at kinuha ang cellphone ko na nahiwalay na ang battery sa casing nya.

Agad akong pumasok sa classroom at sinampal sya ng pagkalakas lakas.

Slap!

Dahil sa lakas hinawakan nya pa ang pisnge nyang namumula dahil sa sakit at agad ko syang dinuro.

"Hindi porket mayaman ka ay pwede kanang mang apak ng mahirap! Hindi mo ba alam kung anong paghihirap ng ina at ama ko para lang mabilhan ako nito! Tas ihahagis mo lang na parang walang kwentang bagay! Sabagay, ganyan naman kayong mayayaman eh diba? Hindi marunong mag appreciate basta maliit na bagay! Ikaw? Ano bang alam mo sa mga maliliit na bagay? Diba ang manghusga lang sa mas mahirap pa sayo!? Dahil ikaw! lahat kayang ibigay sayo ng magulang mo! Lahat ng materyal na gusto mo ay maibibigay nila kaya ka makapanghusga sa maliliit na bagay! Pagmamahal kaya? Aruga? Nabigay ba nila ng tama yun? Parang hindi eh halata sa ugali mo! Oo mahirap kami pero mayaman kami sa ugali! Ikaw, mayaman pero mas mahirap pa sa daga ang ugali! Di mo ba alam na birthday gift to ng ina at ama ko sakin nung grade 7 ako!? Pinaghirapan talaga nila ito! Naghirap si nanay na mag tinda ng ihaw samantalang si tatay ay kumakayod sa pagmamaneho ng tricycle para lang mabili nila sakin to! Tas ikaw!? Ikaw? Ikaw lang ang sisira nito!? Ang kapal mo yata!? Hindi porket mayaman ka ay luluhod na ako sayo! Hindi porket mayaman ka ay pwede mo na akong apakan! Wala kang kwenta!" Lumuluhang sigaw ko sa kanya dahil sa galit.

Inlove With My Enemy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon