Chapter 26

15 0 2
                                    

NATAGALAN NANAMAN PO ANG PAG UPDATE DAHIL NGAYON LANG ULI NAGKALOAD HEHEHE SANA PO AY MAGUSTUHAN NYO ANG CHAPTER NATO! Iloveyou all😙❤️
——————————

Hestia's POV
Nung tumalon si Xayr na kasama ako ay napasimangot ako kasi naman ehh! Dress yung suot ko! Paboritong dress ko to.

"Bat ka napasimangot dyan?" Natatawang sabi nya.

"Eh kasi naman ehh! Paboritong dress ko to." Sabi ko at nagpapadyak padyak kahit nasa tubig ako.

"Ayy oo nga pala. May binili ako na pang swimming." Taas baba kilayng sabi nya. Uh-oh parang alam ko na to.

Agad naman nya akong hinatak at tinawag sina mama at papa at bunso.

"Tita, tito, John and love, may binili akong swimming attire para sainyo. Alam kung hindi kayo nakapagdala dahil akala nyo mag dedeliver lang kayo hehehe." Nahihiyang sabi ni Xayr.

Sumenyas sya sa isang kasama nila at agad na pumunta samin na may mga dalang pang swimming attire.

Ang akin ay one piece pero may short itong kasama sakanila naman ay yung pangkaraniwan na susuotin lang pag naliligo.

Agad naman kaming nagbihis at paglabas namin ay dumiretso na kami sa pool pero bago kami makarating don ay may dumamba ng yakap sakin sa likod.

"Woooooooooh!!!! Di na kami naka abot ang traffic kasi eh tas itong si Mark eh ang tagal magbalot ng damit akala mo kung saan pupunta." Hinihingal na sabi ni Mae sakin. Oo si Mae yung kaibigan ko gagi talaga tong si Xayr.

Agad naman akong yumakap pabalik sakanya.

"Bihis kana ligo na tayo." Sabi ko.

Agad naman syang tumakbo para magbihis kaya napangiti ako.

Agad naman akong umupo sa gilid ng swimming pool at binasa lang yung paa ko.

Nagulat ako ng may yumakas sa likod ko at pinatong ang ulo nya sa balikat ko. Paglingon ko, si Xayr pala.

"Ang lambing mo naman." Natatawang sabi ko.

"Lagi naman talaga!" Sabi nya.

"2 weeks." Sabi ko at nagtaka naman siya.

"Anong two weeks?" Takang tanong nya.

"2 weeks kalang magiging sweet sakin. Dyan naman talaga kayo magaling eh, sa una lang magaling." Sabi ko at tumungo.

"Hindi ah! Tsaka, nagka boyfriend kana ba? Bat parang ang lalim ng hugot mo?" Takang tanong nya.

"Hindi pa hehehe charot charot lang!" Natatawang sabi ko. Agad nya naman akong kiniliti at tinulak sa pool at tsaka tumalon.

So far masaya ang araw ko ngayon. Hindi lang masaya, masayang masaya pa!

So dahil alas 6:00pm na ng gabi ay uuwi na kami.

"Nak, ready naba lahat?" Tanong ni mama sakin.

"Opo ma." Sabi ko.

Nagulat ako nung biglang sumulpot si Xayr sa harap ni mama.

"Ahmm tita, pwede po bang ako nalang maghahatid kay Hestia?" Nahihiyang pagpapaalam ni Xayr sa nanay ko kaya natawa si mama.

"Oo naman! Itong batang nato talaga oh!" Natatawang sabi ni mama.

"Sige na mauuna na kami. Xayr, ingatan mo ang panganay ko ha? Kundi malilintikan ka sakin." Pagbibiro ni nanay kay Xayr kaya kumamot ito sa ulo. Agad naman kaming natawa lahat sa inasta nya.

"Hoy Hes! Mag ingat kayo ah! At CONGRATULATIONSSS!! Mabuhay ang bagol kasal!! Este bagong magjowa pala hahahaha!" Natatawang sabi ni Mae.

"Ikaw talaga!" Suway ni Kyle ay binelatan lang sya ni Mae kaya natawa kami.

Inlove With My Enemy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon