Chapter 19

20 4 3
                                    

Hestia's POV
Agad na umupo si Stacey sa likod nina Xayr tsk.

Discuss
Discuss
Discuss
Discuss

Ringg!!
Ringg!!
Ringg!!

"Tara na Hestia garden na tayo." Kung nagtataka kayo bakit kami sa garden pupunta na lunch break ngayun, yun ay dun kami kakain.

Simula nung manligaw na si Xayr sakin ay laging nagpapadala ng baon ang nanay ni Xayr pero hindi yung mommy nya.

Lahat ng niluluto nung nanay ni Xayr ay talaga namang masarap kaya nga nagpapasalamat ako kasi araw araw nya kaming nilulutuan.

"Ahmm Xayr, pwede bang sumama sainyo? Wala akong ka close sa room eh." Sabi ni Stacey kunyari pang nahihiya tsk.

Agad namang tumingin sakin si Xayr kaya nagpauna na akong maglakad. Ano isasama namin sya sa lugar namin? Neknek nya!

"Pwede ba Stacey!? Dito ka nag aral noon kaya impossibleng di mo alam kung saan ang cafeteria!" Nagulat ako dahil sa inis na sabi ni Xayr. Nagulat namang tumingin si Stacey sakanya, nagulat na nagtataka.

Agad namang yumuko ang dalaga at tumango.

"Magkakilala kayo, Xayr?" Tanong ko.

"Oo Hestia, MAGKAKLASE LANG kami dati noong grade 7 kami pero nag transfer sya sa London." Sabi ni Xayr at diniinan yung 'magkaklase lang' kaya nagtaka ako. Nakita ko naman na nagulat si Stacey sa sinabi ni Xayr at maya maya ay ngumiti rin ito.

"Ahh oo magkaklase lang kami noon." Sabi ni Stacey at umalis na kaya nagkibit balikat nalang ako.

"Wag mo na ngang isipin yun. Tara na kain na tayo masarap ang niluto ni nanay, adobooooo!" Makulit na sabi nya kaya natatawa akong naglakad papuntang garden.

Nung makarating kami sa garden ay agad na kaming pumwesto sa pwesto namin ay agad kaming umupo at nilatag nya agad ang pagkain namin.

Nung binuksan nya palang ay naamoy ko na ang bango ng adobo! Hmmmm bangoooo!

"Sabihin mo kay nanay Julie salamat sa mga pagkain na hinanda nya satin araw-araw." Sabi ko at natawa naman siya.

"Paulit ulit ka ha nung nakaraang taon kapa." sabi nya.

"Kasi naman ehhh!" Sabi ko at agad nya akong sinubuan kaya napasimangot akong ngumuya imbis na tumawa sya ay kinuha nya ang cellphone nya at pinicturan ako at don sya napatawa.

"Ang cute mo!" Sabi nya sabay pisil sa pisnge ko kaya mas lalo akong napasimangot.

"Kumain kana nga lang dyan!" Sabi ko sakanya at nagsimula narin akong kumain.

"Yes boss" sabi nya sabay saludo sakin kaya napangiti akong tiningnan syang kumain.

"Ang sarap talaga magluto ng nanay mo sana ay mameet ko sya para pasalamatan ng personal." Sabi ko kay Xayr.

"Hmmm sure sa linggo wala ang parents ko non eh pasyal kita sa bahay namin at ipakilala kita kay nanay Julie ko." Sabi nya sabay gulo sa buhok ko.

Pagkatapos kumain ay napagdesisyonan namin na bumalik agad sa room pero bago kami makarating ay nakaranig kami ng announcement.

"Okay students, no class for this afternoon because of emergency meeting of teachers. Makakauwi na kayo ng maaga." Sabi pa nito. Agad namang napatingin sakin si Xayr.

"Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong nya.

"Tutulungan ko si nanay sa pagtitinda ngayon don sa pwesto namin na malapit lang sa bahay. Ikaw, saan pa patungo ngayon?" Tanong ko.

Inlove With My Enemy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon