Chapter 17

17 11 0
                                    

Xayr's POV
Haaaaay ang sarap ng tulog ko kagabi magkachat kami ni Hestia before matulog kahit matagal syang mag reply hmp!

Lunes na ngayon at ngayun na ako magsisimulang manligaw sakanya hehehe! Susunduin ko sya ngayon at doon ko na din sya haharanahin sa kanila.

Ready na ako papunta sa kanila may dala akong bouquet of flowers, yung kwintas at syempre yung libro.

Pero bago ako pupunta sakanila ay kakain muna ako dito sa amin sobrang aga pa naman eh. Sinadya ko to kasi alam kung maaga papasok si Hestia.

"Oh anak? Ang bango mo naman ata ngayon? Liligawan mo na ba yung babae?" Nagulat ako sa tanong ni nanay.

"N-nay pano nyo po nalaman na ako po yung lalaki sa kwento ko sayo at hindi yung kaibigan ko?" Tanong ko at ngumiti naman sya.

"Akala mo ba maloloko mokong bata ka? Alam kung ikaw yun kung gaano ka desperado ang mga mata mo nung nagtanong ka. Ano seryoso kana ba dun?" Tanong ni nanay at nagulat naman ako.

"Nay naman!" Angal ko.

"Nay naman, nay naman! Akala mo ba hindi ko alam pinagagagawa mong bata ka? Ano seryoso kana ba don?" Tanong ni nanay at agad naman akong tumango.

"Pakilala mo naman sakin yang swerteng babae na yan." Sabi ni nanay kaya agad ko naman kinuha yung phone ko sa bulsa at hinanap yung picture nya. Marami naman syang picture kaso mga stolen lang kaya hinanap ko yung picture naming dalawa nung acquaintance party.

"Ito nay oh." Sabi ko sabay pakita sa picture. Agad nya namang binitawan yung kutsara at napatulalang tiningnan nya yun kaya nagtaka ako.

"Bakit po nay?" Takang tanong ko agad naman syang nahimamasan at pilit na ngumiti.

"Wala. Ang swerte naman nyang babaeng yan." Sabi nya pero pilit parin yung ngiti kahit nagtaka ako ay tumango ako.

"Sige na tapusin mo muna dyan at maglalaba pa ako." Sabi ni nanay at agad na umalis.

'Anong nangyari sakanya?' Tanong ko sa isipan ko. Agad ko namang tinapos yun at dali daling pumunta sa kotse dahil pupunta na ako kina Hestia.

Nung makarating ako aya agad naman akong pinagbuksan ng pinto ng nanay nya. Nang makita ako ni Hestia ay nagulat sya dahil sa dala ko.

"A-anong g-ginagawa mo rito?" Utal na tanong nya at agad ko naman syang nginitian ng matamis.

"Good morning! Susunduin ka sana. Ahh flowers for you nga pala." Sabi ko sabay abot nung bulaklak kahit nagtataka ay kinuha nya naman agad nung makita ko syang ready na ay agad na akong nagsalita.

"Diba, sabi ko sayo 'I think I'm falling'? mali pala yun kasi I am sure I'm falling for you at seryoso ako sayo Hestia walang halong biro walang halong panloloko at mas lalong walang halong paglalaro kaya sana ay hayaan mong ligawan kita sa ayaw at sa gusto mo. Gusto ko lang iparamdam sayo kung gaano ako ka seryoso." Sabi ko sakanya akala ko ay matutuwa sya pero sa halip ay sinamaan nya ako ng tingin at hinigit.

"Nay una napo kami ah baka malate na kami." Agad na sabi nya at pilit na ngumiti at ang mga magulang nya ay ngumiti rin kaya yumuko muna ako bago nagpada sakanya.

"Ano bang kagaguhan to!?" Galit na tanong nya sakin.

"Hestia seryoso nga ako." Malumanay na sabi ko sa kanya nagpapaintindi.

"Hah! Sa tingin mo maniniwala ako? Sa kabila ng mga ginawa mo sakin, ay sasabihin mong gusto mo ako? Nanggagago kaba ha!? Pwes kung oo hindi ka nakakatuwa!" Galit paring sabi nya at agad na tumalikod. (Sorry po for bad words huhu)

Agad ko naman syang hinawakan sa kamay at nagsalita.

"Bakit? Porket inaaway-away kita noon ay malabo na kitang magustuhan ha!? Eh sa yun yung nararamdaman ko eh may magagawa ba ako?" Sabi ko at mas sumama ang tingin nya sakin kaya napayuko ako.

Inlove With My Enemy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon