Chapter 27

5 0 2
                                    

Xayr's POV
Iba tala to si Hestia! Kung ibang babae yun malamang sa malamang kinikilig na yun dahil nagseselos ako or mag sosorry sakin pero sya, wala. Nakakainis ka Xayr! Bago lang kayo pero hinantulad mo sya sa mga ibang babae mo noon!

Mas magseselos pa ako kay Karl kesa kay James like duuuh! Ang layo ng agwat namin ni James. Si Karl naman ay sikat rin, pero di ko maiitatanggi na gwapo rin sya pero syempre mas gwapo ako noh! Mayaman rin siya pero alam ko naman na hindi bumabase sa materyal na bagay si Hestia.

So ayun na nga! 6:00am na ng umaga. Linggo ngayun pero walang goodmorning si Hestia sakin kahit na marami na akong text sakanya tulad ng.....

Love M💕:
Goodmorning love! Sorry kagabi nadala lang sa alak.

Love M💕:
Love gising kana! Sorry naaaa!

Love M💕:
Sorry kung hindi ikaw ang una kung nareplyan! Promise hindi ko na ichachat si Stacey.

Love M💕:
Reply ka naman oh! Sorry na!

Love M💕:
Pupunta na ako dyan sa inyo kasi magsisimba tayo, remember?

Love M💕:
Maliligo lang ako tas pupunta na ako sa inyo. I love you love! Sorry!

Love M💕:
Tapos na akong maligo. Papunta na ako dyan bihis muna ako hehehe I love you!

Ngayun lang ako naglambing ng babae, ngayon lang ako nagsuyo ng babae, ngayon lang ako nag sorry ng babae at ngayon lang din ako hindi nireplyan ng babae. Tsk tsk tsk! Iba talaga tong babaeng to kaya mahal ko eh hehehe.

Nang matapos akong magbihis ay agad akong sumakay sa kotse ko. Agad akong pumunta sa flower shop at bumili ng bouquet of rose. Pagkatapos ay pumunta ako sa isang restaurant at bumili ng breakfast dahil alam kung hindi magluluto ngayon sila tita dahil maaga pa. At syempre, bumili narin ako ng bouquets of chocolates para kay Hestia hehehe ang sweet ko talaga.

Nang matapos ko ng bilhin ang lahat ay agad na akong umalis para pupunta sa simbahan.

Nang makarating ako sakanila ay agad akong pinapasok ni tita at nakita ko doon na nandon pa sa sala si tito nagbabasa ng newspaper at wala naman yung dalawa.

"Hestia! John! Bumaba muna kayo rito, may bisita tayo!" Sigaw ni tita kasi nasa taas pa sila.

"Umupo ka muna hijo, ang dami mo pang dala." Agad naman akong umupo.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumaba na si John at kasunod si Hestia na kakaligo lang. Nakita ko naman sa mukha nya ang gulat na agad napalitan ng irita. Uh-oh galit padin sya.

Agad akong tumayo at dinala ang dalawang bouquet.

"Love, sorry na kagabi. Nadala lang sa nainom kahapon sa celebration natin. Promise ko sayo di ko na uulitin. Ay hindi promise, kundi gagawin ko kaya sorry na love, please?" Pagapapkyut ko sabay abot nung dalawang bouquet na agad naman nyang kinuha at nilagay sa mesa yung bouquet of chocolate dahil nahirapan sya.

"Oo na! Maswerte ka di kita matiis." Sabi nya sabay ngiti kaya napangiti ako. Agad ko namang naalala na hindi nya ako sinabihan ng goodmorning kaya agad nagsalubong ang kilay ko.

"Bakit?" Takang tanong nya.

"Ba't di ka nag goodmorning sakin kanina? Di kadin sumasagot sa ma text ko." Salubong ang kilay na sabi ko.

"Galit nga ako sayo! Tsaka, di ka naman nag sabi na magreply ako ah." Inosenteng sabi nya kaya napangiwi ako.

"Sabi ko nga 'reply ka naman oh' text ko sayo!" Sabi ko.

Inlove With My Enemy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon