Chapter 28

4 0 0
                                    

SORRY PO TALAGA MATAGAL NA NAMAN ANG UPDATE🥺 WALANG LOAD KASI EH MINSAN MAY GINAGAWA KAYA AYUN, NGAYON LANG ULI NAKA UPDATE. I HOPE YOU LOVE IT.❤️

—————————

Jasmine Standford's POV
Hello everyone! My name is Jasmine Standford, the sister of Karl Standford. Sa totoo lang, naawa ako kay kuya kasi matagal na nyang gusto si ate Hestia eh kaso di nya lang masabi.

Ngayon, sobrang lungkot nya dahil sa balitang sina kuya Xayr at ate Hestia na. Kawawa naman ang kuya ko.

Nandito pa ako sa kwarto nag aayos ng bag ko kasi baka may makalimutan na naman ako at maka disturbo pa ako kay kuya upang ipada ang mga gamit ko kaya before ako umaalis ng bahay ay chinicheck ko muna kung completo yung mga gamit ko.

Agad akong dumiretso sa baba at sinabayan ng pagkain si kuya.

"Kuya, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko. Pilit naman siyang ngumiti.

"Of course baby. Why do you think I'm not okay?" Tanong nito agad naman akong umiling iling kaya tinap nya ang ulo ko tsaka ngumiti at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa kotse ni kuya.

Nung paandar na kami nakita ko pang kinuha ni kuya ang cellphone nya at pilit na ngumiti. Don ko nakita na ang lockscreen ng cellphone ni kuya ay si ate Hestia. Pagkatapos non ay may kinalikot sya sa cellphone nya at don ko nakitang pinalitan nya yung lockscreen nya ng picture naming dalawa ni Choco, si Choco ay ang aso ko hihihihihi.

"Tara na?" Nakangiting tanong ni kuya kaya agad akong tumango.

Habang nag babyahe ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa school.

Nung dumating na kami sa school ay dumiretso na siya sa room kasi may kaklase daw yung humihingi ng tulong nya sa assignment nila. Ang talino talaga ng kuya ko!

Habang naglalakad ako sa hallway ay may nakabangga akong mga lalaki na siyang dahilan ng pagtumba ko.

"Hoy! Sa susunod mag ingat ka ah! Kilalanin mo sinong kinakalaban mo! Hindi mo ba kami kilala ha!?" Sigaw sakin ng isang lalaki. Limang lalaki sila mga badboys ang datingan.

"Parang di tayo kilala pre oh!" Gatong ng isa naman.

"Eh kung patikimin natin yan!" Sabi naman ng usa na tinanguan nilang lahat.

Akmang susuntukin ako nung parang leader leader nila ay napa tabon agad ako ng mukha ko dahil sa takot, nanginginig pa ang mga tuhod ko. Biglang may sumagang sa kamay nung leader nila.

Agad kung tiningnan sino ang lalaking yun. Nakita kung makapal ang kilay nitong nagsalubong, matangos na ilong ang labi nitong mapula pula at and adams apple nito. Sa murang idad nito masasabi kung ang gwapooo nyaaaa kyaaaaah! May knight and Shining Armor. Yieieieie kinikilig akooo!

'Hoy Jasmine! Anong sinasabi mo riyan, gusto mong mapagalitan ng kuya mo ha!?' Napa iling iling ako sa naiisip ko.

"Mga pre, babae yan oh nag iisa lang tas lima kayo, di naman ata patas yun at tsaka kayo din naman ang nakabangga ah. Pagpapasensyahan nyo na tong babae to." Sabi ni My Knight and Shining Armor yieieieiei.

"Bakit sino ka ba ha!? Di mo ba kami kilala ha!?" Maangas na sabi ni yabang boy tsk.

"Sino bang hindi nakakilala sainyo pre? Kayo yung mga malalakas na lalaki rito sa grade natin eh! Tsaka pag may nakakita na sinasaktan kang babae eh iisipin nilang bakla kayo kasi pumapatol kayo sa babae at babae lang pinapatulan nyo, gusto nyo yun?" Nakangising pang uuto ni Knight and Shining Armor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove With My Enemy(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon