Ch. 5 : Give It Back

1 0 0
                                    

                  
                      |SHAWN|

Maaga pa lamang ay nagtungo na kami ni Tomas sa plaza. May pinapagawa kasi si Bosing, pinapayari nya sa amin yung drug dealer na hindi nakapagbayad sa kanya sa tamang oras. Madali kasing mainip si Bosing  kaya kapag hindi ka tumupad sa usapan paktay kang bata ka!

Halos sampung taon narin magmula nang kupkupin ako ni Bosing mula noong kidnapped incident ay hindi ko na nahanap pa ang aking tunay na mga magulang. Sinubukan ko mang bumalik sa aming dating tirahan ay wala akong nadanatnan Doon kundi ang mga caretaker lamang na bagong katiwala sa bahay. Umalis na daw patungong Canada ang nakatira doon kaya wala rin akong nagawa at umalis nalang.

Nagpalaboy-laboy ako hanggang may isang lalaking lumapit sa akin at yun ay si Bosing kaya kahit ganito ang kinamulatan kong buhay ay nagpapasalamat at parin ako dahil sa pagkupkop nya sa akin.

Narito kami ni Tomas, nag-aabang kung saan napagkasunduang magkita ang kanilang target at ang kliyente nito.

Mayamaya pa ay nagpakita nga si Gregorio ang lalaking may malaking pagkakautang Kay Bosing at waring nagmamanman sa paligid. Lingid sa kanyang kaalaman ay nandito na kami upang patayin siya.

Akmang mag-aabutan na sila ng droga ay pasimple akong lumapit sa kinaroroonan nila nang hindi nila namamalayan dahil sa dami ng tao sa paligid. Binunot ko ang tabak sa aking tagiliran at itinutok ito sa leeg ni Gregorio na labis niyang ikinagulat.

Akmang tatakbo siya at nanlalaban ngunit sadyang malakas ang aking pagkakasakal sa kanyang leeg at isang maling galaw nya lang ay dadanak ang dugo mula sa kanyang leeg. Huli na nang malaman Kong humugot din pala ito ng kutsilyo at sinaksak ako sa tagiliran dahilan para lumuwag ang aking pagkakasakal sa kanya at tuluyang kumawala nang biglang;

"Shawn, yuko!" Sigaw ni Tomas at agad naman akong tumalima. Walang ano ano'y umalingawngaw ang tunog ng baril at bumagsak si Gregorio sa damuhan, duguan at walang buhay. Sapul sa ulo, walang mintis itong pinaputukan ni Tomas. Bilib talaga ako sa shooting skills nito e. Clap, clap!

Tinulungan nya naman akong tumayo dahil sa pagkakasaksak ay hirap akong maglakad.

Nagsimula na ring magkagulo sa paligid, nagsisipagtakbuhan na may bahid ng takot at pagkabigla sa kanilang mga reaction. May mga batang nag-iiyakan at ang lahat ay iniwan Kung ano man ang ginagawa bago magsimula ang kaguluhan.

Agad kaming nagtungo ni Tomas sa isang silid na lalagyan ng mga walis, mop at ibang kamitan sa paglilinis. Sinigurado naming walang nakasunod sa amin at walang nakarecognize ng aming mukha dahil sa sout naming mask at shades. Agad din kaming nagpalit ng kasoutan bago lumabas, as in instant transformation.

Naglakad kami ng parang walang nangyari papalayo sa plaza. Naghiwalay kami ni Tomas ng daan para hindi kami paghinalaan. Iniinda ko na lamang ang sakit ng pagkakasaksak, Hindi naman gaanong malalim ngunit sumasakit tuwing sinusubukan kong humakbang. Hindi naman mapapansin ang bahid ng dugo dahil kulay itim ang aking sout kong t-shirt, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad na parang walang iniinda.

Hindi pa ako nakakalayo nang may lumapit sa aking police officer. Bigla akong kinabahan ngunit Hindi ko yun ipinahalata. Nagtanong lang naman siya kung may nakita raw akong dalawang lalaki na nakaitim na jacket at nakamask patungo sa direksyong Ito. Sinabi ko naman na Wala akong napansin kaya agad din itong umalis at tumungo doon sa mga kasamahan nyang pulis upang magreport.

Dumiretso ako sa park dito sa loob ng plaza, umupo ako sa isang metal swing dahil sumasakit na ang aking sugat. Nasa likurang bahagi itong children's park at nasa harapan naman yung mga stalls Kung saan naganap ang barilan, napapagitnaan kasi ang plaza ng gymnasium na ginaganapan ng mga sport events at ibang mga gawain kapag may pagdiriwang dito sa bayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Our Parallel Rainbows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon