Prologue

32 2 2
                                    

"Look mommy ang ganda oh." saad ng isang batang babae habang kinakalabit Ang kanyang ina na abala sa pakikipag-usap sa telepono.

Nagawi ang aking paningin sa itinuturo ng bata. A colorful silhouette that curved across the sky brought by a sudden drizzle together with the sunrise of the early morning. Matagal ko itong pinagmasdan at nakaramdam ng matinding kalungkutan at kirot sa aking puso at unti unting gumuguhit Ang mga luha sa aking pisngi nang hindi ko namamalayan.

                          ****

Madilim at wala akong Makita Hindi ako makapagsalita dahil may piring ang aking mga mata at may busal ang bibig.

Hindi ko mawari ang mga nagaganap sa paligid. Nakakarinig ako ng mga ungol at nagpupumiglas waring humihingi ng tulong ngunit walang nakakarinig. Naaaninag ko sa di kalayuan ang mga lalaking may malalaking katawan na tila mga halang ang bituka at walang sino mang sasantuhin base sa kanilang mga mala-demonyong mga tawanan.

Sinubukan kong gumalaw ngunit napakahigpit ng pagkakatali at nasasaktan ako kapag patuloy pa akong gumalaw. Nakatali ang aking mga paa at kamay sa isang silya na tila walang paraan para makatakas. Unti- unting tumutulo ang aking luha marahil ay nawawalan na ako ng pag-asa at haharapin na lamang ang aking katapusan.

                         ****

"Kuya!" Tinig ng isang batang babae na nagpabalik sa aking katinuan.

"Hindi pa po ba kayo sasakay? Paalis na po yung bus." dagdag pa nito

"Ayy, Salamat bunso di pa namn pwedeng malate si kuya." Nakangiti Kong tugon sa bata. I paced inside the bus and took my seat at the back, plug my earphones and tucked in my ears as I listened to the song just to forget the thought I had.

Our Parallel Rainbows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon