Ch. 1 : Bumped To A Stranger

11 2 0
                                    

|SHAWN|

"Takbo!" sigaw sa akin ni Tomas habang inaabot sa akin ang bag. Humahangos siya sa pagod at agad din siyang tumungo sa kabilang direksyon ng eskinita.
Agad akong tumakbo nang mabilis, sinout ang mga estero't maliliit at makikipot na eskinita. Sanay na ako sa ganitong gawain mula sa aking pagkabata ay ito na ang aking kinamulatang hanapbuhay o paraan para makasurvive sa mapanghamak na mundo.

"Mukhang tiba-tiba kami ngayon ah." nakangiti kong sinilip ang loob ng bag na punong puno ng mga gadgets at ilang mga alahas.

"Ayon siya!" saad ng isang higanteng panot na pulis na kumikinang ang ulo kapag nasisikatan ng araw.

"Tigil, tumigil ka kung ayaw mong masaktan" dagdag pa ng kasama nitong pulis na mukha namang mushroom. A perfect combo of losers.

Nginitian ko lang sila nang nakakaloko sabay takbo at muling sinout ang isang eskinita sinusubukang iligaw ang dalawa. Nagpatuloy ang aming habulan ng biglang;

"Beeeppp..." tunog ng umaandar na sasakyan. Kamuntik na akong masagasaan ng isang putting kotse at bahagyang napaupo sa semento sa aking pagkagulat at nabitawan ang dala kong bag.

"Tang*na naman ohh!" agad akong tumayo at akmang susugurin ang driver ng kotse dahil sa galit.

"Lumabas ka Dyan Kung ayaw mong basagin ko itong put*ngina mong kotse" ibinaba niya ang windshield at napagmasdan ko ang kanyang mukha. May mapupungay na mga mata, mapula't manipis na labi, maganda ang hugis ng kanyang mukha at matangos ang ilong. Ilang saglit din akong natigilan dahil sa mala anghel niyang mukha. "Bakit ba ang unfair ng mundo?" naibulong ko na lamang sa aking sarili. Tiningnan ko siya ng matalim mula ulo hanggang paa. Nakasout siya ng puting uniform, marahil isa siyang nurse o doctor.

Lumabas siya ng kotse and I took a few steps backward, I can't utter a word because of his intimidating presence. I feel dumbfounded.

"Pasensya kana, ikaw kasi itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo, bigla bigla ka kasing tumatawid e Alam mo namang public highway to" malumanay ngunit may diin nyang pagpapaliwanag.

Walang nabubuong salita sa aking bibig at hindi ako makapag-isip ng maayos. Ang ganda ng boses niya; very soothing at tila dadalhin ka sa alapaap. "Ano ka ba Shawn gumising ka nga" parang baliw kong dinidiktahan ang aking sarili.

I took a minute before I completely compose myself and earn the courage to speak. "Eh akala mo naman sayo tong kalsada kung magdrive ka wagas" maangas kong tugon.

"Pasensya kana, nasaktan ka ba?" nag-aalala nyang tanong habang sinisipat-sipat nya ang aking katawan Kung may sugat o galos.

"Mukha ka namang maayos. So papaano yan ngayon, gusto mong dalhin kita sa hospital?" Aniya.

"Hindi na kailangan, simpeng mga galos lang to malayo sa balunbalunan. Sa susunod magdahan dahan ka sa pagmamaneho makakapatay ka ng tao nang wala sa oras." naiinis kong sabi.

"So... aalis na ako, pasenya na ulit mali-late na ako" nagmamadali niyna tugon at akmang sasakay na siya sa kanyang kotse ng biglang;

"Tigil! Wag mo nang subukang tumakas na corner ka na namin" tinig muli ng makukulit na pulis na akala ko ay sumuko na sa paghabol sa akin. Ang persistent namn nila, bigyan ng award Yan! May nakaabang naring dalawang pulis doon sa bungad ng eskinita kaya wala na akong matatakbuhan.

Hindi na ako nagdalawang isip nang bigla akong sumakay sa kotse ng lalaking ngayon ko pa lamang nakilala. No choice e! Sa ayaw nya't sa gusto wala na syang magagawa. Nakasakay na ako bago pa sya makapagreact.
Dapat nga matuwa pa sya dahil sumakay ang dakilang si Shawn sa kotse nya! Wewws. Isa syang maswerteng nilalang.

Our Parallel Rainbows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon