Isang nakabold at all caps na katanungang makakapagpagababag saiyong kaisipan.
PATAYNABATALAGASI SUPERGIRL?Habang nakadampi parin ang labi nilang dalwa'y nakahanap na ng tiyempo ang dalaga.
Kinuha nito ang kutsilyo sa bulsa ng kaniyang jacket.
"Mahal kita Dylan, habang buhay."
Wika nito sa pagitan ng kanilang mga halik.Dahan dahang itinusok ng dalaga ang kutsilyo sa kaniyang dibdib.
Kung mawawala na ang kaniyang katawan.
Mawawala na ang demonyo.
Dahil alam niyang pumapasok lamang ang demonyo sa taong nawalan ng pananampalataya at alam niyang magiging ligtas si Dylan.
Unti-unting napabagsak ang dalaga.Dahan-dahang napaupo ang binata at nasalo ang katawan nito.
Tumatangis itong hinagkan ang dalaga at hinalikan sa kaniyang noo.
"Iniwan mo ako ang daya mo."
Lumipas pa ang mga segundo, minuto at oras.Nanatili lamang ang binata sa tabi ng walang buhay na dalaga.Tumatangis at puno ng pagdadalamhati. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya dahil tanging ang dalaga lamang ang kaniyang tinitignan at iniintindi. Wala siyang paki kung magtawanan man yaong mga tao o makiramay sa kaniyang kalungkutan.
Walanamansilangmagagawa.Nangyari na, atkasalananko yun.
Iniisip niyang siya ang may kasalanan ng lahat ng pangyayari ngunit wala ng magbabago pa kung tunay man 'yong tinuran ng kaniyang kaisipan.
Umiling siya.
Hindi mo gugustuhingsisihinko ang sarilikosa mga nangyari, hindi ba?
Tanong niya sa dalaga sa kaniyang isipan. Mismong siya'y sinagot ang kaniyang katanungan. Tama,hindi mo gugustuhin. At ayaw iyon ng binata. Hindi niya nais na sabihin o gawin ang isang bagay na labag sa kagustuhan ng pinakamamahal niyang babae. Kung kaya't nanatili na lamang siyang walang imik at pinagmasdan ang dalaga ng puno ng pagmamahal.
"NI--NICKEY?!A--ANAK KO NICKEY ANONG NANGYARI SAYO!?"
Nagulantang ang lahat sa biglang pagsunod ng Ina ng dalaga."Tita.." Tawag ng binata sa ina ng dalaga.
Hindi siya nito pinansin at nanatili ang tingin sa anak niyang walang buhay.
"A--ANONG NANGYARI SA ANAK KO!? SA--SABIHIN MO! A--ANONG NANGYARI SAKANYA?"
"Pa--patay na po si Nickey."
"HINDEEEEEEEE! HINDI PATAY ANG ANAK KO! NICKEY GUMISING KA NICKEY ANAK!"
Hinaplos haplos nito ang katawan ng kaniyang anak na walang buhay habang tumatangis. Hanggang sa mapatigil ito ng mahaplos ang dugo sa kaliwang parte ng dibdib ng kaniyang anak. Tinitigan nito ang kaniyang kamay na nabahiran ng mismong dugo ng kaniyang anak."Hi--hindi maaari."
Hindi makapaniwalang turan nito habang nanatiling nakapako ang mga mata sa kaniyang palad."Nickey, anak ko."
Dagdag pa nito at tuluyang niyakap ang kaniyang anak."Hindi ka pupwedeng mamatay."
Niyakap niya ang dalaga ng sobrang higpit."Nico tumawag ka ng doktor!"
Lingon nito sakaniyang asawang lumuluha rin."Hi--hindi ko hahayaang mamatay ang anak ko! Tumawag ka ng doktor! Emergency! Tumawag kayo!"