"Uwi na tayo Yummie.Uwi na tayo please."
Hindi niya ako pinapansin kahit nagmumuka akong tanga sa harap niya't nagmamakaawang umuwi na.Hmp mag-isa na nga lang akong uuwi.
Tumayo na'ko at naglakad palabas ng Drama Hall.
See?Ni hindi manlang niya ako sinundan hmp talaga.Okay lang sakanyang mag-isa yung bestfriend niya aish nakakatampo ah!
Eh bakit pa kasi ako sumama dun?Simula't sapul wala naman talaga akong interes sa drama eh.Sa totoo nga lang,nabibwiset lang ako sa drama na 'yan.Ewan 'ko siguro pinaglihi ako ni Mama kay Robin Padilla at Vice Ganda puro aksyon at humor lang pero hell no'ng may kamuka ako sa dalwang yun no!
Aba tatalon nalang ako sa building kung magiging kamuka ko si Vice tsk tsk.*boogsh*
"Homagasssssh!!!"
Napukaw nitong babaeng 'to yung atensyon ko.Aba,paluin daw ba'ko habang nagtitili!?Punyeta ah.
"Anu bang proble---
"kayaaaaa palapit na sila dito!!!kinikilig ako!!!"-biglang sigaw nung babae sa harapan 'ko kaya natigilan ako.
"Nakatingin siya sakin waaaaa!! *boogsh* boogsh* boogsh* waaaaa saluhin moko mahihimatay ako sa kilig!!!"
Mahihimatay nga ata?Nag-slow mong malalaglag eh pero as if namang sasaluhin ko siya?Neknek niya.
Umalis nalang ako sa tabi niya.Ang sakit rin ng braso ko kakapalo niya bwiset.
Habang naglalakad ako at hinihimas yung palo ng babaeng nahimatay DAW sa kilig naramdaman kong may mga matang nakatitig sakin.
So?Napalo lang famous agad?Eh bigwasan ko kaya 'tong mga 'to?Kung makatitig akala mong papatayin ako eh at take note MARAMI silang nakakatitig sakin.Langya dapat pala hindi nalang ako umalis sa drama hall pero as if namang makakatiis ako sa mga nagddrama dun ng inay,inay bakit mo ako iniwan Inay bumili lang ako ng pansit Inay.
At aba may modern version pala yun?
Mama,mama why you left?I'll just buy some pansit and now you're dead Mama,mama.
And worst,yung beki version -_-
Motherlaloooooo,why ka na-deds?I make bili lang ng pansit sa Malabon para makakain ka.Huhuhu Motherlaloooooo you make gising kundi jojombagin kita Huhuhu Motherlalooooo~
Oh diba?Kung hindi ba naman siya tangang iniwan yung Ina sa Mindanao na gutom na gutom para lang bumili ng pancit malabon ,tsk talagang mamamatay yun sa paghihintay.Anga-anga eh."STOP!"
Biglang may humarang saking babaeng mukang traffic enforcer wagas makapag-STOP.Tapos tinaasan ko sya ng kilay.
"Stop?Ano ko aso mo?Gag*ng 'to."
Inirapan ko siya heavenwards.Aba pagmumukain ba naman akong aso,stop daw.Eh kung stopatusin ko kaya yung muka niyang mukang eapasol?
At oo,nagmumura ako.Aba hindi ako badgirl ! Wag kayo bad trip lang ako.Una sa bestfriend ko sumunod yung Babaeng pumalo sakin ng dahil lang sa kinikilig sya.Aba,paki ba ng braso kung kinikilig siya letche siya mukang magkakapasa pako tsk.
"She said stop bakit ba ang kulit mo Babe."
Biglang may lumapit sa'king gwapong lalaki.Sus,gwapo pero hindi 'ko type no.Looking at him,CASSANOVA.
At teka anu daw?BABE?
"I-babe mo muka mo!"
Sigaw ko sakanya at umalis na.Binilisan ko yung paglalakad ko para hindi nila ako maabutan pero kapag minamalas ka nga naman oh.Nagkandahulog pa yung gamit 'ko.Peste.
Pinulot ko yung mga gamit ko dahilan para mahabol ako ng baliw na gwapo-pero-hindi ko type na lalaking BABE ang tawag sakin.
"Babe napaka-clumsy mo naman.Mag-iingat ka sa susunod ah."