(Bawasan ang kalukaretan ni Jolline!)
Dyana' s POV
Maaga akong nagising sa pagtilaok ng manok ng kapitbahay. Agad akong pumunta sa kusina at nagluto.
Fried rice, bacon at egg. Yung tipikal na almusal lang ang niluto ko. Nag-ayos na ako ng La mesa..."Ang aga naman ng mahal ko."
Wika ng aking asawa na nakaupo sa counter. Hindi ko napansing gising na rin pala siya."Kanina ka pa ba dyan, Mahal?"
Tanong ko dito habang inilalapag yung mga plato sa la mesa."Hindi naman."
Sagot niya. Tumango nalang ako at ipinagpatuloy ang pagsasaayos sa la mesa."Mahal."
Wika niya at tumayo. Lumapit siya saakin at bigla na lamang akong niyakap."Masaya akong bumabalik na sa dati ang ating anak."
Tumango ako dito at niyakap rin siya pabalik.*bogsh*
Kapwa kami napabitaw ng may kumalampag o kumalabog na kung ano galing sa sala. Mabilis kaming tumungo 'ron."Anak."
Wika ko ng makitang pinupulot niya sa sahig ang basag na vase."Anak, ako na dyan."
Lumapit ako dito."Hindi."
Matigas na sabi niya pero nagpumilit ako at mabilis na pinulot rin 'yong mga bubog ng vase."Mahal."
Tawag ng aking asawa. Tumingin ako salanya at bahagyang ngumiti upang sabihin ayos lang.Nagulantang ako ng may marinig na paghibik. Hindi lamang pala ako, maging ang aking asawa rin. Napatingin ako sa paligid ng aming sala. Masyadong mahina 'yong mga hibik. Hindi ko matukoy kung saan ito nagmumula.
"Dylan!"
Natinag ako ng paglinga sa paligid ng sumigaw ang aking asawa. Lumapit ito kay Dylan at mabilis na hinitak palayo sa bubog.Napatakip ako ng bibig ng makita ng buo ang itsura ng aking anak habang nakaupo ito sa couch at pinipigilan ng kaniyang amang lumapit sa bubog.
May---may pulang kung ano sa kaniyang ulo at puno ng bubog ang kaniyang mga kamay.
Umaagos na ang dugo sa kaniyang mga kamay.
"Dylan! Ano nanaman bang ginagawa mo sa yong sarili anak!?"
Singhal ng kaniyang ama sakanyang tabi.Napasalampak ako ng matukoy na mula saking anak ang mga paghibik na naririnig ko kanina pa. Tumatangis nanaman ito.
"Hindi ko siya kayang kalimutan.Hindi ko kaya.Hindi."
Unti-unting nagbagsakan ang aking luha.Paano na ito kung hindi niya kayang kalimutan ang babaeng minamahal niya, paano na siya? Habang buhay na lamang siyang ganito?
"Anak kayanin mo."
Wika ng kaniyang ama sakaniya."Isang malaking imposible ang paglimot kay Nickey na aking minamahal. Halos lahat ng bagay ay nakapagpaalala sakanya sa akin...maging kayo."
"Ma--maging kami?Anak?"
Wika ko. Tumango ito."Ang bawat yakap niyo sa isa't isa. Ang kasiyahan idinudulot niyo sa isa't isa. Lahat ng 'yun ay ipinaaalala saking ang aking mahal."
Matabang na sambit nito.Napayuko ako dahil sa'king mga narinig. Nakikita ko na ang aking luha sa na bumabagsak sa sahig. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam.
"Mahal."
Lumapit sa akin ang aking asawa. Itinaas ko naman ang aking ulo upang tignan ang aking anak.Nakita ko itong matabang na nakatingin sa amin habang lumuluha. Nakatayo ito sa aking harapan.
“Ang pusong lubos na umiibig, kailanma'y hindi makalilimot.”
Matapos ang mga salitang yun ay lumakad na siya papalayo sa amin. Sinundan ko ito ng tingin. Patungo siya sakanyang silid. Dahan-dahang napayuko ako, nahihirapan na ako sa ganitong sitwasyon. Sa tuwinang makikita kong umiiyak ang aking anak, labis na sakit ang aking nararamdaman.(Ahhh yeah!Moving on failed operation awww -3- kailan kaya magtitino si Dylan?Naku. Mukang malebe ne! I-The End ko na this, muka namang he won't make bago na like err,make limot to Nickey na achuchu~)