Someone's POV
Kumuha ako ng repolyo at inilagay sa cart. Muli kong tinignan ang papel na hawak ko at medyo marami pa pala akong bibilin. Kaya kailangan ko ng bilisan. Ayoko pa namang magpaabot ng gabi dito sa Mall masyadong delikado, pati sa pag-uwi ko.Papunta na ako sa drinks section para bumili ng Mogu-mogu para sa kapatid ko ng may mahagip ang mata ko.
Si Tita Dyana. Mukang siya yung nagtitingin tingin ng beverages pero bakit naman kaya siya nandun? Iinom siya?
Kesa tanungin ng tanungin ang sarili ko. Lumapit na ako sakanya.
"Tita Dyana."
Tawag ko dito, napatingin naman siya saakin."Ah Ikaw pala."
Walang ganang sabi niya."Ako nga po. Teka, Tita bakit po kayo narito sa Alcoholic Drink section? Bibili po ba kayo ng alak? Diba po bawal sainyo yan?"
"Ahh sige, sige mauna na ako."
"Teka Tita!"
Hinabol ko siya at iniwan yung cart. Baka akala ni Tita, masama pa rin ako kaya iniiwasan niya ako. Naku dapat niyang malamang nagbago na ako para maging close ulit kami."Pasensya na talaga Ayu---"
Napahinto siya sa pagsasalita ng magtama ang mga mata namin."Ikaw ba yan?"
Hindi makapaniwalang tanong niya. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa."Ako po ito. Ayos po ba 'tong pagbabago ko?"
Tanong ko kay Tita habang tinitignan ang sarili ko.Malaki na nga talaga ang pinagbago ko. Kahit sa style ko ng pananamit na unang una mong mapapansin sakin. Hindi na ako nagsusuot ng daring na damit, maiikling dress, skirt, short short at fitted blouse. Ngayon, naka pants nalang ako at simpleng t'shirt.
Bukod kasi sa pagbabago ko ng kalooblooban ko, binago ko rin yung pisikal na katangian ko.
"Ang laki ng pinagbago mo at ngayon ko lang nakitang mas bagay pa pala sayo ang mga ganiyang damit, nagpara kang siNickey. Ahhh sorry nabanggit ko pa."
Nagpunas ako ng luha at ngumiti.
"Ayos lang po."
Ngunit ang totoo'y hindi. Miss na miss ko na si Nickey. Ang best friend ko,napakatanga ko kasi noon para magpabulag sa nararamdaman ko. Napakatanga ko ng dahil sakin, nawala ang bestfriend ko."Ahh namimili ka rin ba? Lika sabay na tayo."
Mabilis akong hinitak ni Tita Dyana. Siguro napansin niya ngang nagrereminisce ako ng malulungkot na bagay kaya hinitak na niya ako para mawala ito.
Marahil natanggap at nakita na rin ni Tita ang pagbabago ko kung kaya sumama na siya sa akin at di na tumakbo pa.
"Ah maalala ko po, bakit po kayo naron kanina?"
Ang tinutukoy ko ay yung nakita ko siya kanina sa Alcoholic drinks section. Masyado ring mababa ang alcoholic tolerance niya kaya bawal sakanyang umiinom. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit siya nandun.
"Ahh yun ba kase...
Yung cart mo!"
Napalingon naman ako sa itinuro ni Tita. Yung cart ko nga! Tangay nung isang staff."Teka lang po Tita."
Paalam ko sakanya at mabilis pinuntahan yung staff na dala dala yung cart ko."Sige sige." Dinig kong sabi niya.
"Kuya! Kuya staff!"
Ang hirap niyang habulin kaya tinawag ko na siya.Hindi ko naman alam na marami palang titinging lalaking staff.
Kaya nagpeace sign nalang ako sakanila atabilis na pinuntahan yung cart ko.
"Kuya sakin 'to."
Sabi ko at tinuro yung cart."Mam? Dito po itong cart na ito."
Sabi naman niya. Kung ako siguro ang dating ako. Malamang natarayan ko na ito pero nagbago na ako eh.Naisip kong namissunderstood niya lang ako dahil sa cart yung naituro ko at hindi yung laman.
"I mean ito mga pinamili ko."
Tumango naman siya.Akala ko na gets na niya ako dahil sa pagtango niya pero mali pala ako.
Bigla na lamang niyang ibinaba yung mga pinamili ko.Take note, sa sahig. Halos manlaki yung mata ko sa ginagawa niya.
"Anong ginagawa mo?"
Hindi makapaniwalang sabi ko habang pinagmamasdan siyang ibaba yung mga pinamili ko."Ito po yung mga pinamili niyo Ma--"
"Warren ano bang ginagawa mo?"
Biglang may sumingit na isang sales lady."Bakit mo ibinababa yung mga pinamili ni Mam?"
Dagdag pa nito."Eh nung una kasi eh inaangkin niya yung cart natin. Oh kapag nakuha niya itong cart mababawasan yung sweldo natin kaya okay lang 'yan bitbitin niya yang mga pinamili niya."
Paliwanag niya. Napakunot naman yung noo ko, maging yung saleslady. Like, anong gagawin ko sa cart na yan kung aangkinin ko yan? Juice colored naman.Nagtitinginan na rin yung ilang mamimili at nakikiusisa. Shez, mga chismosa. Nakagawa na rin tuloy kami dito ng commotion.
"Anong nangyayari rito Warren?"
Biglang dumating yung owner ata at tinanong yung Warren.Hindi naman sila kapwa makapagsalita. Malamang, yung owner o boss na nila yung kausap nila eh, takot lang nila dyan.
"Bakit nakababa itong mga items sa sahig?"
Tulad kanina'y walang sumasagot sakanya.
(Astalavista! Who's the bestfriend ni Nickey??????Any wild guess??? Para sa reader nong TSCOMSG??? Come on! You guyt make sagot sagot =D para manalo ng pandikit I men! Didikition (translation-dedication) achichi! Maya nalang julet ha! Nagbukas kasi ng TV eh nagfade away yung ideas ko :3 Ang kyooot ng Pokemon yikes ♠ meye neleng ekekekeke :]
★ _ _ ★ ← siya si Star!
♥O♥ ← siya naman si Puto. (Nabulol na puso) Nakanganga yan! Naghihikab kase echehehe papasukan ng langaw moujajaja ^=^
♪_♪ ← siya naman si Notes! Naovedose sa pagkanta mouhahaha!-_- ← at ayan naman yung nagbabasa!
Ahahaha hindi maintindihan kung anong sumapi sa author! Hahahahahaha! Ice lang :DAng kokyot ng emoticon ko no? Eto pa o →♦♠♣§≤ Π₱★†± TIBA :*)
2 DAYS NALANG CHRISTMAS NA!
HANSAYASAYASAYA!
(kaya siguro ang werd ko no?))