KOL³ → Unang Bahagi (last draft)The Serious Case of My Supergirl (plot sample)

1 0 0
                                    

Dyana's POV
"Hindi ko na alam kung anong dapat nating gawin kay Dylan. Unti-unti na akong sumusuko, mahal."

Nagpaunahan nanaman ang mga luha ko. Pinunasan ito ng aking asawa ngunit inunahan ko na siya.Ako na ang nagpunas sa'king luha. Isa pa napapagod na rin akong umiyak. Iyak puro iyak, ganito na lamang ba lagi? Lagi naming idadaan sa iyak? Paano ito matatapos kung iiyak lang kami ng iiyak?

Si Dylan, ang anak ko. Araw gabi siyang lumuluha sa kaniyang kwarto, mag-isa. Naaawa na ako sa'king anak. Ano bang dapat kong gawin upang makalaya siya sa pangungulila? Kung kaya ko lamang buhaying muli si Nickey, ang babaeng pinakamamahal niya, matagal ko ng ginawa upang bumalik siya sa pagiging masaya at ganado ngunit hindi ko kaya wala akong kapangyarihan o kakayahang gawin 'yon.

I feel useless. Pakiramdam ko'y walang kwenta akong ina. Ni hindi ko man lamang mapatahan ang aking anak, anong klaseng magulang ako.

"Magpahinga ka na muna, mahal."
Hinayaan ko na lamang ang asawa kong akayin ako upang maitayo.
Wala na akong gana, sa twing makikita at maririnig ko ang pagtangis ng aking anak nasisiraan ako ng loob at nawawalan ng lakas.

"Magdahan dahan ka Mahal."
Inalalayan niya akong maglakad hanggang sa makarating kami sa hagdan.

Naalala ko ang imahe ng aking anak sa hagdang ito. Dito niya unang sinabing siya'y may iniirog at ito'y kaniyang liligawan. Naalala ko kung gano siya kasaya non. Ang ngiting ibinato niya sa'min ng kaniyang ama alam kong ipinahihiwatig 'non na nakita na niya ang kaniyang tunay na minamahal. Sobrang saya namin noon.

"Mahal, tama na ang pag-iyak."
Muli niya pinunasan ang aking luha at inalalayan akong makaakyat sa hagdan.

Naglakad kami patungo sa'ming kwarto ngunit bago 'yon ay nadaan namin ang kwarto ni Dylan.

Mula sa loob ay naririnig nanaman namin ang kaniyang pangungulila at pagdadalamahati. Umiiyak nanaman ang aking anak. Umiiyak nanaman siya. Pakiramdam ko'y dinudurog ang aking puso sa twinang nasasaktan siya.

"Gusto mo bang pumasok?"

Walang ano anoy, tumango ako saking asawa at kami'y pumasok sa silid ng aking anak.

"Dylan."
Wika ko.

Nanatili lamang siyang tulala sa kawalan habang dahan-dahang umaagos ang luha sa kaniyang mga pisngi.

Nasasaktan akong makitang ganito ang aking anak.
Hindi na siya ang Dylan ko noon,ang anak ko.
Dala ng sobrang pangungulila'y nagbago na ang aking anak. Halos maging butot balat siya dahil hindi siya kumakain at wala siyang tulog. Ang anak ko, naging miserable na ang kaniyang buhay magmula ng mawala si Nickey.

(I make dugtong the second bahagi na rin okidoki)

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, niyakap ko na ang aking anak.

"Dylan.."
Lumuluhang wika ko habang nakayakap sakanya.

"Buwan na ang lumipas. Siguro nama'y sapat na yun anak para iwan mo ang mundo mong puno ng pangungulila. Anak, pakiusap. Huwag kang maging mahina."

Hindi niya ako iniimik ngunit alam kong naririnig niya ang mga pagsamo ko.

"Pa--pakiusap anak."
Huling wika ko at kumalas sa pagyakap sakanya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sakanyang kama. Paalis na kami ng kaniyang ama ng hawakan niya ang aking kamay...

Tumingin ako sakanya at nagtama ang aming mga tingin. 'Yong mga mata ng aking anak, puno ng kalungkutan.

*tik*tok*tik*tok*
Tunog ng malaking orasan dito sakanyang silid.

Hindi niya binitiwan ang aking kamay at nanatili siyang nakatingin sakin. Nagulat ako ng bigla akong yakapin ng aking anak...

at kinagat nito ang aking leeg.

"Haaaaaaaa!"
Halos mapalundag ako sa'king napanaginipan.

"Mahal..Mahal anong nangyari sayo?"
Tanong ng aking asawa saking tabi. Hindi ko siya pinansin. Nagmamadali akong tumayo mula sa kama at tumakbo sa silid ng aking anak.

Napahinto ako ng mapansing mahimbing ng natutulog ang aking anak. Tiningnan ko ang kaniyang kamay---ang pulso niyang puno ng peklat at may isang sariwang sugat. Lagi kasing naglalaslas ang aking anak. Lagi niyang sinusubukan magpakamatay ngunit laging may himala't siya'y nabibigo.

Ang kaniyang huling paglalaslas ay 'nong nakaraang araw. Muntikan na siyang mamatay 'non. Halos mag-agaw buhay siya at tila nakabaon sa hukay ang kalahati ng buhay ko noong mga panahong 'yun dahil sa sobrang takot na mawala ang aking anak ngunit nanalig pa rin ako sa Panginoon. Hindi naman niya ako binigo,nagkaron ng himala't nabuhay ang aking anak.

Nang magising ang aking anak non sa Ospital hindi ko inasahan ang nangyari.

Flashback
"Mahal, maayos na ang ating anak kaya kumalma kana."
Wika ko saking asawang tila gulong gulo at nagpapaikot ikot dito sa loob ng kwarto ni Dylan--sa Ospital.

"Ahhg gising na pala --"
*bogsh*

Napatayo ako at mabilis na hinablot ang kamao ng aking asawa.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?"
Sigaw ko dito. Naiinis ako sakanya, hindi niya ba alam na kagagaling lamang sa kapahamakan ng aming anak, tapos ngayoy susuntukin niya!

"Ang ginagawa ko!?Ginigising ko ang anak natin sa katotohanan!"
Bulalas niya saakin. Halos maningkot ang aking mga mata. Hindi ko siya maintindihan, ginigising?

"Katotohanang wala na ang babaeng mahal niya!"
Dagdag niya pa. Humarap na siya kay Dylan na hawak hawak ang panga niya.

"You know what!? Kung nandito lamang si Nickey! Hindi ka na niya mamahalin!!"

"Dahil nagbago kana, hindi na ikaw ang batang pinalaki kong matatag! at dina ikaw ang lalaking minahal ni Nickey dahil ginawa mo ng patapon ang sarili no!"

"At alam mo kung narito man siya! Paniguradong galit siya sayo! Mali hindi siya galit sayo kundi napopoot siya sayo! Dahil inaaksaya mo ang buhay na ipinahiram lamang saiyo ng Panginoon."

Hindi na ako nakasingit pa, dire-diretso ang kaniyang mga salita at alam kong tatagos ito sa puso ng aming anak.
End of flashback

Ngunit gayunpama'y nagpapasalamat ako sa ginawa ng aking asawa. Tama siyang, dapat ng magising sa katotohanan ang aming anak.

At nagisng nga siya dahil sa kasalukuyan pinipilit na niyang tanggapin ang katotohanang wala na ang kaniyang minamahal. Kumakain na rin siya ng tama at medyo may gana na siya.

Kinumutan ko ang aking anak at hinalikan ko ito sakanyang noo.
Naiiyak ako sa tuwa dahil sa wakas ay nagising na siya sa mapait na katotohanan.

Tumalikod na ako sakanya. Naglakad palabas ng kaniyang silid. Nang isasara ko na ang pinto ng kaniyang kwarto ay naghuling silip ako dito.

Matapos yun ay bumalik na ako sa kwarto naming mag-asawa at itinuloy ang aking pagtulog.

(OMO!" Parang I want to tell you guyt the kiligness to the bones kwento of Mr. & Mrs. Reyes ♥achichi! I'm saaaaw egoyted maybe sa next year! I'll tell ya guyt Its mega kakilig like OMO! You'll be in lababo with the teen Mr. Reyes like havey~ Hahaha I'm sabog nenenen pere ekey leng medende nemen reng lest drep ekey! Hevey~ ehehehey! Gowdnait =)

Buhay ng Sikat SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon