FLASHBACK![Ito yung para sa Flashback]
NOTEDPagkamatay ni NickeyTheSupergirl// PATAY NABATALAGASIYA?
>Isang nakaboldatALLCAPS na katanungan.Habang nakadampi parin ang labi nilang dalwa'y nakahanap na ng tiyempo ang dalaga.
Kinuha nito ang kutsilyo sa bulsa ng kaniyang jacket.
"Mahal kita Dylan, habang buhay."
Wika nito sa pagitan ng kanilang mga halik.Dahan dahang itinusok ng dalaga ang kutsilyo sa kaniyang dibdib.
Kung mawawala na ang kaniyang katawan.
Mawawala na ang demonyo.
Dahil alam niyang pumapasok lamang ang demonyo sa taong nawalan ng pananampalataya at alam niyang magiging ligtas si Dylan.
Unti-unting napabagsak ang dalaga.Dahan-dahang napaupo ang binata at nasalo ang katawan nito.
Tumatangis itong hinagkan ang dalaga at hinalikan sa kaniyang noo.
"Iniwan mo ako ang daya mo."
Lumuluhang sambit ng binata.Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman ni Dylan ang yabag ng isang taong tumatakbo papalapit sakanya mula sa kaniyang likuran.
"Nickey, anak."
Ito lamang ang nasambit na kaniyang Ina dahil nagpaunahan na ang luha nito sa pag-agos.Ang pagtangis ng isang babae, lalo na ng isang ina ang pinakamasakit makita ng isang anak kung kaya't minarapat ng magsalita ng binata.
"Wag po kayong umiyak, hindi po gugustuhin ni Nickey na makita kayong nagdurusa."
Wika ng binatang tumatangis habang nakatingin parin kay Nickey."I--ikaw!"
Singhal ng Ina ni Nickey sa binata."Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!Kaya lumayo ka sa anak ko at huwag ka ng magpapakita pa sa amin kahit kelan!"
Wala ng nagawa pa si Dylan ng ipagtulakan siya palayo mula sa pinakamamahal niyang babae ng ina nito . Nanatili na lamang siyang umiiyak habang nakatanaw sa mag-ina.
Maya-maya pa'y dumating na ang kaniyang mga magulang at ang ama ni Nickey.
"Walang hiya ka!Ipinagkatiwala ko sa iyo ang nag-iisa kong anak!Walang hiya ka anong ginawa mo sa kaniya!"
Bulalas ng ama ni Nickey."Huminahon kayo Mr.Tan. Walang ginawa si Dylan para mapahamak ang anak niyo."
Pagtatanggol ng ina ng binata sakaniya."Ng dahil sakanya!Namatay ang anak ko!Ng dahil sa kaniya nawala ang pinakamamahal kong anak!Ng dahil sa walang hiyang yan!"
Halos duru-duruin na ng Ama ng dalaga ang binata ngunit nanatili parin itong tahimik na tumatangis.Walang ni isang salita ang lumabas/[namutawi mula sa bibig ni] kay Dylan. Tanging, pagsisisi lamang ang mapupuna sakaniya at ang pagtanggap niya sa mga salitang ibinabato sakanya ng Ama ng dalaga.
Puno ng paghihinagpis at pagdurusa ang lahat.
Malinaw itong nadirinig ng mga taong nakapaligid sakanila. Kabi-kabilang condolence at pakikiramay ang ipinaabot ng mga tao sa paligid nila.Hindi nila namalayan ang pagdating ng ilang tao para asikasuhin ang dalaga at ang ilang pulis upang mag-imbestiga sa nangyari.
Binuhat na ng ilang tao ang katawan ni Nickey at ipinasok sa isang sasakyan.
"Ideretso nyo ang anak ko sa Ospital."
Turan ng inang lumuluha. Nagulat ang lahat sa sinambit nito ngunit nanatili nalamang silang walang imik at hinayaan ang gustong mangyari ng Ina'ng nagdurusa.Ninais pang sumama ni Dylan sa Ospital ngunit pinigilan ito ng ina ng dalaga at sinabing...
"Anu man ang mangyari. Hindi ka na makakalapit pa sa anak ko at sa pamilya namin. Tandaan mo 'yan."
Matapos ang mga salitang 'yon ay tuluyan ng umalis ang pamilya ng dalaga. Naiwang tulala ang binata sa sasakyang lulan ang dalaga.
"Nickey."
Sambit nito sa sarili ng tulyang mawala sa kaniyang paningin ang sasakyan.Napaluhod ito na tila walang buhay at walang pag-asa.