D ZERO (5)

141 24 2
                                    

Chapter 5 - Dalhina

ZIRO

PAGKATAPOS naming kumain ay naglakad na kami papaalis ngunit sa ibang direksyon. Simula nang lumabas si Sora sa Blacksmith shop ay nanahimik na naman ito. Nakikita ko nanaman siyang nasa ganiyang kalagayan.

"Babalik na ba tayo?" Tanging iling ang isinagot nito. Nakatungo parin ito na para bang ayaw niyang ipakita ang mukha niya "Nagkasundo kami ni Felisha kanina na puntahan ang Rising Hugwart Forest." sagot nito.

"Talaga? 'Di ba sira na ang gubat na 'yon?" Napasulyap ako kay Felisha na nanahimik na rin. Ang alam ko ay doon siya nanirahan noon kasama ang kapwa niya elf, pero simula noong nilusob sila ng mga halimaw ay hindi na siya bumalik pa doon. Kaya naman gumagawa siya ng Mission sa bayan ay para kahit papaano ay makahiganti siya. Ang Arc Knight naman ay hindi kasama sa mga Mission Quest na iyon kasi hindi naman sila nakatira sa bayan. Lulusob sila sa dungeon ano mang oras kahit walang Mission.

Ang 'di ko lang maintindihan ay bakit hinahayaan kami ng mga halimaw, noong isang araw lang sila pumunta sa sentro para manakot. Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad at sa wakas ay narating na namin ang bukana ng forest. Dumaan kami sa isang batis para makatawid sa kabila. Tama nga ang inakala ko ay sira sira na ang gubat na 'to. May mga punong kalbo na, at pati ang batis ay sobrang dumi na rin dahil sa kagagawan ng mga kahoy na natumba doon at ng mga patay na dahon.

Maging ang mga tree house ay nasira na din. Nagmistukang Hunted ang buong gubat lalo na't pagpasok ay kadiliman agad, kakaonti lang ang ilaw na pumapasok dito na sapat na upang makita namin ang isa't isa. Sinulyapan ko si Felisha na malungkot na nakatingin sa tirahan niya na parang dinaanan ng bagyo.

"Ang bahay namin ay nandoon, pero hindi ko alam kung maayos pa ba 'yon." Saad niya habang nakaturo sa kaliwa.

"Tara puntahan natin baka maayos pa naman." aya ko at Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi na naman napirmi ang mata ko at inilibot ang tingin. Habang si Freya ay binitawan na ako at nasa unahan na kasama ni Felisha. Habang ang katabi ko naman ay si Sora na nakatingin lang din sa paligid na nadadaanan namin. Sa aming paglalakad ay nakakaramdam ako ng mata na nakatingin saamin at nagmamatiyag. Binaliwala ko nalamang dahil baka imahinasyon ko lamang iyon.

Nakarating na kami at hindi naman ako makapaniwala nang makita ang bahay niyang gawa sa bato. "Wow, maayos pa pala ang bahay mo. Ang ganda rin." Komento ko. isang palapag lamang iyon na pahaba. Puro baging at lumot na ang bahay na ito ngunit kita parin ang ganda. May malalaki iting bintana at mayroon iyong isang kahoy na pinto na may mga nakaukit.

"Pero nasira ang kabilang kwarto ng kapatid ko." Pumasok kami sa loob at kitang kita ko ang mga potion sa mesa. Agad naman niya itong kinuha. "Salamat naman at hindi 'to natapon."

"Bakit anong meron d'yan?" Tanong ni Sora.

"Gawa 'to ni mama bago siya pinatay ng halimaw." Hindi naman kami nakapagsalita dahil sa sinabi niyang 'yon. Inilabas niya ang kaniyang secret bag na siya lang ang nakakahawak ayon sa kaniya. Inilagay niya iyon doon at agad naman iyong nawala sa kamay niya. "Aalis na ba tayo?" Tanong ni Freya.

"Umalis na tayo baka may mga pagala-galang halimaw dito mahirap na." Sagot ni Felisha. Sumang-ayon naman kaming lahat pero tanging si Freya lang ang hindi tumango.

"Paano kung gumala muna tayo dito? Sa tingin ko naman ay wala ng halimaw dito sa gubat." Komento ni Freya. Hindi naman ako makasagot dahil nahihiya akong tumanggi.

"Pero--" dadaing pa sana si Felisha kaso pinutol iyon ni Freya.

"Sige kung ayaw njyo kaming dalawa na lang ni Ziro ang gagala." pinulupot niya agad ang kaniyang kamay sa braso ko na kaagad ko naman kinailang.

DUNGEON ZERO [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon