D ZERO (7)

106 18 2
                                    

Chapter 7 - Siblings

ZIRO

Walang kahirap-hirap na napigilan ni Dalhina ang mabilis kong pag-atake. Tiningnan niya ako ng masama na para bang hindi niya nagusto ang ginawa ko. "Panira!," bigla nya akong binalibag at kasabay non ang pagtapak niya sa aking tiyan. "Sisiguraduhin kong mamamatay ka!"

"Ikaw ang mamamatay saating dalawa Dalhina!"tinawanan lang niya ako na para bang minamaliit lang niya ako.

"Wala kapa sa lebel ko Ziro," tiningnan niya ako saglit ngunit umiwas din. "Isa kalang bibwit na nagpapakabayani"

Hinawakan ko ng mahigpit ang paa niya at pilit iyong tinatanggal ngunit sadyang mas malakas siya saakin. "Hindi kaba naaawa sa kapatid mo?!" Napatingin naman siya kay Sandro habang ang mga mata niya ay walang emosiyon.

"Walang puso ang mga demonyo," mas diniinan pa niya ang pag-apak saakin at halos mapasigaw ako sa sobrang sakit. "Hindi na ako nakakaramdam ng ano mang damdamin! At hinding-hindi na iyon mangyayari!"

Natumba bigla si Dalhina dahil sa espadang bigla nalamang sumaksak sa kaniyang tiyan. Pati ako ay hindi ko iyon inaasahan.Napadako ang atensiyon ko sa taong gumawa noon at laking gulat ko kung sino iyon "R-riku?!" Hindi makapaniwala kong sabi. Bakit sila nanditong lahat? Tinulungan ako ni Miya'ng tumayo at gamit ang healing magic niya ay pinagaling niya ang mga gasgas at pasa ko."Anong ginagawa nyo dito?"


"Para iligtas ka Kuya, alam mo bang nag-aalala sayo ng sobra si-" hindi na siya pinatapos ni Riku dahil binatukan niya agad ito.

"Nasa laban pa tayo" pag papaalala ni Riku kay Miya. Napatungo-tungo naman ang bata dahil sa takot kay Riku.

Napatingin kami kay Dalhina na tinanggal ang espadang nakatusong sa kaniyang tiyan at ibinato iyon sa kung saan. "H-hindi ako matatalo sa mga tulad niyong mahihina! Isa ako sa tatlong Heneral kaya walang makakapigil saakin!" Bigla nalamang binalot siya ng isang itim na Aura at ramdam mo ang napaka lakas na kapangyarihan, katulad ito sa Aura ng Demon lord na siyang nakaharap ko kanina "Kailangan kong maging malakas! Mas malakas!" Sa sobrang lakas ng Aura na nilalabas niya ay napapalayo kami dahil sa lakas ng hangin.

Eto naba ang totoo niyang kapangyarihan, kung kanina ay hindi ko siya mapigilan paano pa kaya ngayong eto na ang orihinal niyang lakas?

Basta-basta nalamang niya kaming napatalsik kahit hindi na man niya kami nalalapitan. Sapat na ang enerhiyang lumalabas sa kaniya upang pabaksakin kaming lahat. Napatingin ako sa mga kasama ko na 1 HP nalang ang natitira. Hindi rin magamit ni Miya ang kaniyang kapangyarihan dahil sa sakit ng katawan. Ano nang gagawin ko? Napatingin ako sa HP bar ko na hindi man lang nabawasan. "P-panong?"

"P-pasensya kana Z-ziro" laking gulat ko nang makita si Sora na nakangiti saakin habang nakahiga sa bisig ko. "Dyosa!" Nanghihina ito dahil ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan ako.

"B-babalik din ang lakas ko" ipinikit nito ang mata niya kung kaya't inihiga ko siya sa sahig upang magpahinga. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo niya, papatayin ko si Dalhina upang makaganti.

Hinanda ko ang aking dagger at tumakbo pasulong upang atakihin siya kaso may malakas na enerhiya na pumipigil saaking atakihin siya. Muli kong sinubukan ngunit hindi ko kaya, ang kapangyarihan na nararamdaman ko kanina lang ay naglaho a unti-unting bumabalik ang dati kong kapangyarihan. "Papatayin kita katulad ng ginawa ko sa ama mo!" Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang mga salitang iyon. Para bang may kung ano akong nararamdaman sa puso ko na sobramg sakit, halos mapahawak ako sa aking puso at namilipit sa sakit.

DUNGEON ZERO [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon