D ZERO (13) Part 1

66 12 2
                                    

Chapter 13 (part 1) - A friend

ZIRO

PATULOY lang kami sa pagtakbo at pakiramdam ko makakalas na ang paa ko dahil sa kakatakbo. "Ang labasan!" Sigaw ko ng makita ang liwanag na mediyo malayo pa saamin.

Nagulat ko ng bigla nalang bumilis ang takbo nila at halos maiwan ako. Waah! hanggang dito nalang ang kaya ko!

Sa hindi inaasahang kamalasan ay natapilok ako sa isang bato, halos mangungod ang mukha ko sa lupa. Malapit ng mangungod ang mukha ko sa matigas na bato na ngayon ay nasa harap ko, isabay mo pa ang batong nakaambang durugin ako. "WAAAHHH!"

Napapikit nalamang ako at hinintay kung ano mang mangyayari. Ilang minuto na ata ako sa ganoong position kung kaya't idinilat ko ang mata ko. Nakatigil lang ang bato na naipit pala dahil sa kipot ng dadaanan niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako na pitiyet ng malaking batong ito. "Ayos kalang ba Ziro?" Agad kong tinanggap ang kamay ni Frey at tinulungan akong tumayo.

"Ayos lang ako medyo nagasgasan lang ako," Pinagpag ko ang damit ko na puno ng dumi dahil sa pagbagsak ko kanina. Napatigil ako ng mapansin nakatingin silang lahat saakin na parang may ginawa akong mali "bakit?"

"Wala!" sabay-sabay nilang sabi at nagsi labasan na. Sumunod narin ako habang may pagtataka parin.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay bumungad sa harapan namin ang isang bayan. Ang akala ko ba sira-sira na ang bayan na ito?

"Mukhang inayos nila ulit ito" Rinig kong sabi ni Sora. Kung ganon may ibang bumalik dito para ayusin ang lugar na ito. Pagpasok namin sa bayan makikita ang nga taong nag-aayos na ng mga bahay at ang iba ay nag-aayos ng mga gamit. Pagdaan namin sa kanila ay pinagtitinginan nila kami— hindi parang saakin.

Isang babae na naka braid ang buhok ang biglang lumapit saamin "Kayo po siguro ang pinapunta dito ng Hari" Masayang sabi niya.

"Nagkakamali ka, Nandito kami dahil kailangan namin ng sasakyan papunta sa life city" Sagot ni Riku. Napakamot naman sa uli ang babae at humingi ng tawad.

"Isa lang ang nagpapahiram dito ng kalesa. Kung gusto niyo ng masasakyan pumunta kayo sa Bar na malapit dito, itanong nyo kung nasaan si Baldo Tyaka-" Hindi na siya pinatapos pa ni Riku at nauna nang maglakad saamin.
Humingi nalang ako ng tawad sa babae dahil sa naging asal ni Riku. Tahimik lang na naglalakad si Riku habang ang iba ay manghang-mangha sa nakikita.

Si Sandro naman ay nagpapalinga-linga, mukhang natatakot sa mga asong nakakalat sa paligid. Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng Bar. Mediyo tapos na ito kaso wala pang pintura.

pagpasok namin ay puno ng mga taong nag-iinuman sa loob, Nang mapadaan kami ay pinagtitinginan nila kami na para bang naghahamon ng away.

Napatigil kami ng may biglang humarang saaming tatlong kalalakihan na puno ng mga hikaw ang mukha pati sa ilong ay meron ito. "Sino ang pinunta nyo dito?" tanong ng lalaki na nasa unahan.

"Hinahanap namin si Baldo" Sagot ni Riku. Minasdan naman siya ng lalaki at napa dila pa na parang takam na takam.

"Mukhang masarap kaha" Sabi nito habang malagkit ang tingin kay Riku. Akmang papatulan ko na siya ng pigilan ako ni Sandro at napailing pa.

"Pero-"

"Manood ka nalang" Nag-aalala man ay tiniis kong manood nalang. Lumapit ang lalaki kay Riku at inikutan pa ito habang hinahawi ang buhok niyang mala Ginto.

"Ang ganda mo-" Isang malakas na sipa ang natanggap ng lalaki na sumira sa pagkalalaki niya. Halos mapa aray kami ni Sandro dahil sa ginawa niya kahit hindi naman kami ang sinipa at si Creg naman ay napatakip sa 'ano' niya.

DUNGEON ZERO [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon