D ZERO (8)

114 16 5
                                    

Chapter 8 - Creg Gradner

ZIRO

DUMAAN ang mga araw at naging normal na rin ang lahat, naging first rense na rin ako o mas kilala ring level 20. Kahit hindi naman kami pumupunta sa Dungeon ay may nakakasalubong pa rin kaming mga halimaw na agresibo na mukhang hindi nakatira sa dungeon.

Naging kakaiba ang mga halimaw nitong mga araw, hindi kagaya noon na lahat ay galing sa dungeon at may boss kuno na sinusunod ngunit ngayon ay mukhang wala na. Buhay pa naman ang demon lord pero hindi na rin ito nagpapakita simula no'ng mangyari ang kaguluhan sa loob ng dungeon.

Ngunit hindi pa rin talaga nagbabalik ang kapangyarihan ni Sora, nakakapagpagamot pa siya ng mga tao pero siya naman ang manghihina, pero kahit ganoon ay hindi pa rin nababawasan ang pagiging amazona niya pero natitiklop naman kapag nasa paligid lang si Sandro.

Sa totoo lang ay mukhang may gusto si Sora kay Sandro dahil kung magtagpo man ang mata nila ay agad siyang namumula at napapaiwas. Hindi naman siya ganoon sa akin dahil nanghahampas naman siya at nanakit kapag naiinis pero kapag siya ang naiinis kay Sandro ay hindi man lang siya makapagsalita.

Binaba ko ang baso ng tubig at sinulyapan si Sora na natutulog sa kama ko. Ang sabi niya ay dito na daw muna siya matutulog dahil may butas sa kisame niya. Ayaw niya daw mabasa kahit wala naman talagang ulan.

Tumabi ako sa kaniya at tumingin sa kisame. Masayang masaya ako no'ng sinabi ng mga Arc knight na tutulong sila samin ni Sora sa paghahanap sa ama ko. Natutuwa ako na ewan dahil sa wakas makikita ko na rin ang ama ko kahit walang kasiguraduhan.

"Gising ka pa?" Busangot na tanong sa akin ni Sora. Kinusot niya ang mata niya at yumakap sa akin. "Matulog ka na."

"Hindi ako makatulog diyosa," sinipat niya ang mukha ko at ngumiti. "Naiisip mo ang ama mo?" Hindi na rin ako nagulat nang malaman niya ang naiisip ko. Isa siyang dyosa at kayang-kaya niyang basahin ang isip ng tao. "Masaya lang ako diyosa, ang akala ko ay wala ng tutulong sa akin, miss ko na si ama."

"Siguradong miss ka na rin ng ama mo." Mahigpit niya akong niyakap. "Kapag makikita mo na ang ama mo, 'wag na 'wag mo akong kakalimutan ha?"

Kunot noo ko naman siyang sinulyapan. Hindi ko naman makita ang mukha niya kasi nakasuksok ang mukha niya sa dibdib ko. "Ha? Bakit naman kita kakalimutan? Mababagok ba ang ulo ko niyan? Nakikita mo ang hinaharap?"

Sinuntok niya ako sa dibdib ngunit mahina naman. "Tangek hindi 'yon!"

"Eh bakit naman kasi kita kakalimutan? Sabihin mo aalis ka rin 'no? Para kang si Freya, hindi 'yon nagpaalam na aalis siya, bigla na lang siyang nawala." Ang akala ko ay sasabat siya pero tahimik na lang siyang nakayakap sa akin.

Naalala ko pa ang sinabi ni Miya, no'ng bigla daw kinuha ni Dalhina si Sandro ay kasabay naman no'n ang pagkawala rin ni Freya. Hindi nila ito nakita pa pagkatapos no'n. Parang bula na lang daw na nawala. Napabuntong hininga ako at napayakap na lang pabalik kay Sora na parang bata. Parang kapatid kona ang babaeng to kaya ayokong pati siya ay mawala saakin.

KINABUKASAN ay huli akong nagising. Lalamya-lamya akong lumabas sa kwarto at hinanap si Sora. Nakita ko naman siyang nakaupo sa kahoy na upuan habang nakatingin sa estatwa. Umupo ako sa tabi niya.

"Magandang umaga." Papikit-pikit ko pang bati. Sinulyapan niya ako at ngumisi.

"Maganda ang tulog mo diba? Katabi mo kasi ako." Pagmamalaki nito na ikinatawa ko ng bahagya.

"Asa ka pa, ang baho ng hininga mo." Sinapak niya ang braso ko at naiinis na naman akong sinabunutan. "Aray naman!" daing ko

"Hindi mabaho ang hiniga ko! Naamoy mo naamoy mo ha?" Gigil na gigil niyang sabi sa akin.

DUNGEON ZERO [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon