Doce

176 5 0
                                    

Agad akong nagmura nang mapagtantong mahuhuli na ako sa klase ko ngayon. Bumangon ako at agad na kinuha ang tuwalya at tumakbo palabas ng kwarto. Iisa lang ang aming banyo at iyon ay nasa labas ng mga kwartong nandito, malapit lang sa kusina.

Pabagsak kong binitawan ang tabo nang maalala kong Sabado nga pala ngayon. Napasapo ako sa aking noo habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin.

Dahil sa antok ko kagabi ay hindi ko na napunasan ng basang tuwalya ang aking mukha. Nandito pa rin ang mga kolorete sa aking mukha at pula pa rin ang aking mga labi. Ang nakapusod kong buhok ay nasa ganoon pa rin ang ayos. Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko dahil hindi ko pala ito natanggal!

Nagpadesisyunan kong maligo na lamang kaysa sa matulog ulit. Kakain na sana ako pagkatapos kong magbihis ay nakita kong wala ng laman ang basket na lalagyan ko ng mga pagkain. Pumikit ako sa inis. Tangina, ba't ba ang malas ko ngayon?

Kinuha ko ang aking pitaka at nakita ko ang tatlong libong piso dahil sinuwelduhan kami kagabi ni Ms. Pinky. Ayoko rin namang bumili sa labas kasi mahal. Imbes na ibabayad ko ito kay Madam Emma ay mapipilitan akong ibili na lamang ito ng pagkain kaysa naman sa mamatay ako rito sa gutom. Siguro, hahatiin ko na lang ito upang makapagbayad naman ako kahit papaano sa matandang iyon.

Agad na akong lumabas ng kwarto at pumunta na sa pinakamalapit na grocery store. I'm just wearing a pink flip flops, a faded maong shorts and a white racerback sando. Hindi na ako nag-abalang magdala ng payong dahil wala naman ako noon. Tsaka ilang taon na rin akong naglalakad sa ilalim ng mainit na araw ngunit agad din namang bumabalik sa dati ang kulay ng aking kutis.

Nang makababa ako ng dyip ay agad akong nakarinig ng sipol galing sa mga trabahador dito. I just flipped my hair before entering the grocery store.  Parang ngayon lang ata sila nakakita ng babae. Ganyan ba talaga ang mga lalaki? Walang oras na pinipili!

Habang bitbit ko ang isang basket na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa bahay ay muntik ko ng mabitawan ang aking pitaka na nakaipit sa aking kilikili dahil sa lakas ng pagkakabangga sa akin.

Agad ko itong nilingon at nakita ko ang dalawang may itsurang mga lalaki. Kumunot ang aking noo nang makita silang nakasuot ng sunglasses na itim. Ang baduy naman ng pormahan nila!

Ngunit, sa itsura nila at kahit na hindi ko nakikita ang kanilang mga mata ay alam kong mayayaman at gwapo ang mga ito. Hindi sila nababagay dito. Doon dapat sila sa mga mamahaling supermarket at hindi rito.

Agad silang naghagikgikan nang makita ang reaksyon ko. Mas kumunot ang aking noo. Anong nakakatuwa roon?

Hindi ko na lang sila pinansin at pumila na lang upang magbayad. Gwapo pa naman ang dalawang iyon ngunit parang may saltik ata sa utak dahil tumatawa na lang bigla.

"May value card ka, Miss?"

Inangat ko ang aking tingin at nanlaki ang aking mga mata nang makita kung sino ito.

"Emily?"

Hindi pa rin ako makapaniwala na pagkatapos ng halos isang dekada ay magkikita ulit kami. I tried to search her name years ago but I think she didn't use her exact name in her social media accounts.

Tumawa siya sa reaksyon ko. "Ako nga ito, Hexy. May value card ka?"

"Kumusta ka na?" iyon na lang ang tangi kong nasabi dahil matagal-tagal din kaming hindi nagkita ng matalik kong kaibigan.

Mas tumawa siya sa reaksyon ko. "Bigyan mo na lang ako ng numero at address mo, Hexy. Pupuntahan kita bukas. Hindi kasi pwede ngayon kasi on duty ako.

Pilit siyang ngumiti sa akin at inabot ang isang piraso ng papel at bolpen.

"Ah, o-oo!" Agad kong sinulat kung saan ako nakatira at kung ano ang numero ng cellphone ko.

LIGAYA [Broken Dreams Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon