Tres

254 7 0
                                    

Tumutulo ang luha ko habang tulalang nakatingin sa kisame. Kahit na sumisikat na ang araw ay hindi pa rin ako bumabangon dahil masakit pa rin ang aking katawan hanggang ngayon.

Humikbi ako nang bigla kong maalala kung paano nilapastangan ni Tatay ang aking katawan kahapon habang wala rito si Nanay. Pakiramdam ko ay wala akong nagawa sa sarili ko.  Pakiramdam ko ay sobrang naduwag ako dahil binantaan niya ako at mas malakas siya sa akin.

Hinawakan ko ang aking bibig dahil sa maingay kong paghikbi. Gusto kong sumigaw sa galit. Gusto kong magsumbong ngunit wala akong lakas ng loob upang ilahad ang mga nararamdaman ko ngayon. Palagi akong pinapangunahan ng pangamba, kaba at pagkahiya sa sarili ko. At baka kung ano ang masabi sa akin ng mga tao.

Tumungo ako habang patuloy pa ring tumutulo ang aking luha nang biglang bumukas ang pinto sa aking kwarto. Nanginginig ang aking mga labi na kanina pa nakatikom. Namamawis ang aking kamay nang mapagtantong baka si Tatay na naman ito. Parang may sumaksak sa aking dibdib na baka gagawin niya ulit ang palagi niyang ginagawa sa akin tuwing nandito ako at wala si Nanay.

"Huwag po 'Tay! Maawa na kayo sa akin!"

Agad akong napatalon mula sa aking kama nang bigla niyang hawakan ang aking braso. My voice was shaky while tears continuously streamed to down my cheeks. Ayoko na, gusto ko ng umalis sa bahay na ito! Nakakapanliit at nakakawala ng ganang mabuhay!

"Anong nangyayari sa'yo?" Malamig ang mga kamay ni Nanay habang inaangat ang pulang-pula kong mukha.

Umiling ako sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit habang hinimas-himas ang aking likuran.

"Sinusumpong ka na naman ng bangungot mo."

Hindi ko na kaya. Sobrang sama ni Tatay. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa sa akin ito at hindi naman ako naging rebeldeng anak sa kanya. Kahit na hindi niya ako tunay na anak ay sana naman respetuhin niya ako kagaya ng pagrespeto niya kay Nanay!

"Si Tatay," humihikbing sabi ko at humiwalay sa yakap niya.

"Si Tatay...demonyo si Tatay, 'Nay!"

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya ito. Wala akong mabuong salita dahil sa tindi ng galit ko kay Tatay ngayon. Gusto kong magpakamatay at patayin na lang ang sarili upang wala na ang mga problemang ito ngunit iniisip kong marami pa akong gustong makamit sa buhay na ito. Gusto kong maghiganti sa taong nambaboy sa akin at sumira sa buong pagkatao ko.

Sobrang tindi ng galit, naglalagablab ang poot dahil alam ko sa sarili ko na habambuhay kong dadalhin ito at mananatili ito sa pinakailalim na parte ng aking isip. Ngayon pa lang ay alam ko na, na walang tatanggap sa kagaya ko. Tanggap ko na ang aking kapalaran na habambuhay na lang akong magiging preso mula sa mga alaalang ito.

"Ano bang sinasabi mo? Binabangungot ka lang!"

Mas lalo akong naiyak nang singhalan ako ni Nanay. Hindi ito ang unang beses na nagsumbong ako sa kanya dahil sa panghahalay ni Tatay sa akin ngunit tuwing magsusumbong ako ay palagi niyang sinasabi na guni-guni ko lang iyon at baka ay nananaginip lang ako ng masama.

"Sa tingin mo ba 'Nay pinagpapantasyahan ko si Tatay upang magkaroon ako ng ganoong guni-guni?"

Nagsalubong ang kanyang kilay at nakaramdam ako ng malakas na tunog ng sampal at naramdaman ko na lang na medyo humahapdi na ang aking kaliwang pisngi.

"Walanghiya ka! Pinalaki kita ng maayos at gaganyanin mo lang ako?" Hinawakan niya ang aking buhok at agad namang tumulo ang aking mga luha.

Parang walang kapaguran at walang katapusang iyakan ang buhay na ito. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil hindi ko na alam kung kanino ako lalapit ngayon. Si Nanay na akala ko ay kakampi ko habang buhay ay hindi naniniwala sa akin. Walang naniniwala sa akin!

LIGAYA [Broken Dreams Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon