Vientitres

159 4 0
                                    

Ilang araw na rin simula noong sinabi ko kay Ride na paparating na ang aming midterm examination. Hindi na rin kami lumalabas at hinahayaan niya akong mag-aral sa mga bakante kong oras. Nagkikita pa rin naman kami sa bar tuwing gabi at kinakamusta niya ako. Kung maayos ba ang lagay ko, kung nag-aaral ba ako ng maigi.

He wanted me to graduate in flying colors. At sa tingin ko, matutupad ko ang hiling niya dahil mataas ang mga marka ko simula pa noong first semester.

Sa ngayon, magpopokus na muna ako sa mga exams ko lalo na't nagsimula na ito kahapon. I'll do my best to make him proud of me and for myself.

Agad akong napalingon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinarado ko ang libro namin sa Public Policy and Planning Methods at inilagay ito sa gilid ng aking kama. Kinusot ko ang aking mga mata bago kinuha ang cellphone ko na kanina pa tumutunog.

"Napatawag ka, Diego?"

"May ginagawa ka ba ngayon?"

Bukod sa pag-aaral ay wala naman. Ano kayang sadya nito?

"Wala naman. Bakit?"

"Can you meet me at the mall? I'll text you the address."

"Bakit?"

Pwede namang dito na lang niya sabihin. Ba't pa kailangan naming magkita?

"I have something to tell you," saad niya sa mababang boses.

"Hindi mo ba iyan pwedeng sabihin ngayon? Nag-aaral kasi ako para sa midterm exams tsaka may pasok—"

"It's just a couple of minutes, Hexy. Dyon't stress yourself out. Mag-aliw ka naman," saad niya at humalakhak.

Kumunot ang noo ko. It's kinda unfair to Ride if I'll go with Diego later. Pero 'di ba, sandali lang naman? Tsaka importante raw, e. At tama si Diego, I shouldn't be stress with school. Magtatapos na ako kaya minsan mag-aaliw aliw din ako at hindi puro pag-aaral lang ang gagawin ko.

"Just text me the address of the mall, Diego." At pinatay ko na ang tawag.

Ilang sandali pa lang ay tumunog ulit ang cellphone ko at nakita ko ang mensahe ni Diego na naglalaman ng address sa sinasabi niyang mall kung saan kami magkikita mamaya.

Humikab ako nang makaramdam pa ng antok. Tiningnan ko ang aking cellphone at pasado alas ocho na ng umaga. My class was ten so I better get ready. Nag-aral ako kagabi at ngayon puyat na puyat ako isama mo pa na may pasok ako sa bar tuwing gabi. Siguro naman ay masagutan ko ng maayos ang pagsusulit namin mamaya.

Agad ko ng kinuha ang aking tuwalya at lumabas na sa kwarto upang maligo.

Habang sinusuklay ko ang aking buhok ay pinasadahan ko ng tingin ang aking katawan sa malaki kong salamin malapit sa mesa.

Medyo umiitim na ang aking eyebags at mas lalong nahahalata na palagi akong puyat. Ang suot kong puting uniporme ay mas lalong nakapagpapaliit sa aking katawan. Ang lambda sa aking unipormeng pantaas ay sumisigaw kung gaano ka prominenteng paaralan ang Unibersidad ng Santo Tomas. The A-line navy blue skirt and the black shoes complimented my skin.

Nilugay ko na lang ang mahaba at medyo brown kong buhok dahil basa pa ito. Kinuha ko na ang aking bag at lumabas na sa kwarto ko.

Buong maghapon akong nakapokus sa mga pagsusulit namin. Hindi nagtext sa akin si Ride ngunit pakiramdam ko ay abala lang siya sa kanyang trabaho.

Dahil sa pagpopokus ko ay hindi ko namalayang tapos na pala ang iilang subjects ngayon, bukas na naman. Hanggang alas tres lang kami ng hapon kaya napakaaga pa upang umuwi. Muntik ko nang makalimutan na may lakad pa pala kami ni Diego ngayon.

LIGAYA [Broken Dreams Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon