Cinco

220 7 0
                                    

Idinilat ko ang aking mga mata at ibinaling ang tingin ko sa kasalukuyang katabi ko sa pagtulog. Tumulo ang aking luha nang makita ang hubad niyang katawan sa aking tabi. Pinalis ko ang aking luha. Ang mga likidong dumaloy sa aking pisngi ay puno ng galit at awa. Galit dahil sa ginawa ni Tatay sa akin. Galit dahil sa pag-iwan ni Nanay sa akin dito at galit sa sarili ko dahil hindi man lang ako makapalag sa kanya.

Isang linggo na simula noong lumayas dito si Nanay. Hindi man lang niya ako ginising at dinala sa paroroonan niya. At sa tingin ko, ako na ang pinakamasamang anak sa buong mundo kasi dahil doon nagtanim ako ng galit sa kanya. Dahil sa ginawa niyang pang-iiwan dito sa akin. At ngayon, hindi na ako makatakas sa pamamahay na ito.

Mas gugustuhin ko na lang matulog sa gilid ng imburnal, hindi alintana ang mga lamok basta't maayos lang ang buhay ko. Pakiramdam ko habang narito ako ay mas lalo akong nakaramdam ng pandidiri sa aking sarili. Palagi na lang ganito. Paulit-ulit niya akong binababoy at kakambal nito ang pagtikom ng bibig ko.

Pinalis ko ang aking luha gamit ang kumot na nasa gilid ko. Sana ay pinatay na lang ako ni Nanay kaysa sa iwan niya ako rito. Sana pinatay na lang din ako ni Tatay kaysa sa ginagawa niyang parausan ang katawan ko. Sana hindi na lang ako nabuhay at sana hindi ako maghihirap ng ganito!

Humikbi ako ngunit agad kong tinakpan ang aking bibig. Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko ngayon. Parang isang linggo yata akong umiiyak dahil sa lungkot. Kahit na hindi na gusto ni Tatay na mag-aral ako ay pumapasok pa rin ako, kahit na wala akong pambaon.

Nang makita kong tulog na tulog pa rin si Tatay ay ginawa ko iyong pagkakataon upang tumakas. Dahan-dahan kong bumangon. I tried my best not create a sound.

Muntik ko ng mahigit ang hininga ko nang biglang may humawak sa aking paa. Nanlaki ang aking mga mata at tatakbo na sana nang bigla siyang bumangon habang hawak-hawak pa rin ang aking paa. Nagmura ako nang mapagtantong hindi pa rin ako makakawala ngayon. Kasunod nito ang mainit na pagdaloy ng mga luha sa aking pisngi.

"Gago ka! Bitawan mo ako!" sininghalan ko siya ngunit hindi ko naisip na mas magagalit siya lalo sa ginawa ko.

"Putangina mong bata ka! Hinding-hindi ka talaga makakalabas sa pamamahay na ito! Salbahe ka!"

Marahas niyang hinawakan ang aking buhok kaya agad naman akong napasigaw dahil sa sakit. Pilit akong kumakawala sa kanya ngunit mas hinihigpitan niya ang pagkakahawak sa aking buhok.

"Mabubulok ka sa kulungan sinasabi ko sa'yong gago ka!"

Humalakhak siya sa sinabi ko. Iyong tawa na puno ng sarkasmo at pang-uuyam na para bang siguradong-sigurado siya na hindi ako makakawala mula sa mga mararahas niyang bisig.

"Bakit naman ako mabubulok? Walang maniniwala sa'yo! Sarili mong ina hindi nga naniwala sa'yo, 'di ba?"

"Mayroon! Mayroong maniniwala sa akin!" umiiyak na saad ko.

Dahil sa galit ko ay agad kong tinadyakan ang kanyang pagkalalaki. Agad naman akong nakawala mula sa kanyang mga bisig nang mapaluhod siya sa aking ginawa.

Tatakbo na sana ako nang mahawakan niya ang aking padyama at agad na nakatayo dahil sa kanyang pagkakahigit sa akin. Inilapit niya ang mukha ko sa kanya at muntik na akong masuka nang maamoy ko ang amoy alak niyang hininga.

Mas lalong tumindig ang balahibo ko nang inilapat niya ang kanyang labi sa aking balikat. Agad ko itong iniwas mula sa kanya.

"Pakawalan mo na ako, 'Tay!"

Dahil sa takot ay mas lalo akong napahagulgol sa katarantaduhan na ginagawa niya.

"Hindi ko pakakawalan kapag nasarapan ako. Kaya ikaw..." He traced his fingers on my jawline.

LIGAYA [Broken Dreams Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon