Viente

173 6 0
                                    

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang cellphone kong kanina pa nakapatong sa mesa ng upuan ko. Paulit-ulit ko ring binasa ang mga text sa akin ni Ride ngunit hindi ko siya nireplyan kanina pa.

Kanina pa siya humihingi ng tawad sa paghalik niya sa akin kagabi ngunit hindi ko ito pinansin at ngayon naman ay nagtext ulit siya na susunduin niya raw ako mamayang hapon.

Umirap ako sa ere nang mareyalisang abala siguro ang girlfriend niya ngayon kaya ako na naman ang pinagkakaabalahan niya.

"Inis ka, gurl?"

Mabilis pa sa alas cuatro nang kinuha ko ang aking cellphone at inilagay sa bulsa ko. Nakita ko ang ngisi ni Gladys habang pinapasadahan ng tingin ang aking kamay na kasalukuyang nakadausdos sa aking bulsa.

Tumikhim ako at umayos ng upo. "Hindi naman masyado."

Humalakhak siya sa akin. "Talaga lang, ha? Kanina ka pa pulang-pula riyan. Kulang na lang basagin mo ang cellphone mo sa inis," nakangising saad niya.

Tumawa ako upang maibsan ang kaba sa aking dibdib. Am I too oblivious to know that I looked so pissed right now? Pero kanina ko pa nararamdaman na medyo mainit ang mukha ko dahil sa inis ko kay Ride.

"Talaga? Eh kung basagin ko kaya ang mukha mo, Gladys?"

"Wow, bad girl!"

Agad kaming humagalpak ng tawa ni Gladys at nagtampalan ng mga braso.

"Gangster ka, gurl?" saad ni Gladys habang nakahawak sa kanyang tiyan ang kanyang kaliwang kamay at tumatawa pa rin.

"Feeling basagulera natatakot naman sa batas," natatawa kong saad.

"Sayang, wala ngayon si Maribel. Echapwera na kaya natin siya?" Ngumisi siya sa akin kaya agad ko namang hinampas ng mahina ang kanyang braso.

"Sira! Teka, nasaan ba iyong babaeng 'yon?"

Nagkibit-balikat siya. "Siguro may sakit. Ganoon naman iyon kapag may sakit hindi pumapasok."

"Baka magkakatres siya ngayon. Gagradweyt pa naman tayo," ani ko.

"Bigyan kaya natin ng bulaklak pagbalik niya,"

"Ano namang ibibigay natin? Rosas? Araw ng mga puso?" sarkastiko kong saad.

Umiling siya at ngumisi. "Corpse Flowers."

"Gago ka Gladys!"

At nagtawanan kami ulit. Si Maribel talaga ang napagtripan dahil wala siya ngayon. Minsan nakakabwesit din si Maribel pero minsan nakakamiss din kagaya ngayon.

Nang pumasok ang propesor namin ay agad na kaming umayos ng upo.

Buong maghapon lang akong nakapokus sa klase at hindi ko namalayang patapos na pala ang klase namin ngayon.

Agad kong iniligpit ang aking mga gamit at nakita ko sa aking balintataw na kasalukuyang nakatingin si Gladys sa akin ngayon. Binalingan ko siya ng tingin pagkatapos kong mag-ayos ng gamit.

"Sama ka sa inuman? Birthday ng kaibigan ko, sabi niya magdala raw ako ng magandang babae."

"Para saan? Pampulutan?" Agad akong natawa sa aking sinabi.

Tumango naman siya at humalakhak. "Parang ganoon na nga, Hexy. Butch kasi."

"Naku, lalaki hanap ko, e. Pass na muna ako, Gladys. Baka ikaw gusto mo?" Nakataas ang kilay ko at nakaloko ko siyang tiningnan.

"Gago! Kababata ko iyon, 'no. Kung sana ay gusto niyo ako, matagal niya na akong pinatos. Tsaka gusto ko ng patola, e. Ayoko sa gunting."

Agad na nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. Pambihira itong si Gladys! Mukhang madudungisan na naman ang inosente kong tainga!

LIGAYA [Broken Dreams Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon