Naging busy ang nga sumunod na araw para sa amin ni Dari. Tumatakbo siyang student council ng kanilang campus habang ako ay abala sa pagtatapos ng thesis ng grupo. Graduating na ako kaya kailangang matapos ang thesis na pinagagawa. May defense pa kami na pinaghahandaan.
Napabuntong hininga ako nang hindi na naman makakuha ng reply sa kanya. Mahigit isang linggo na kaming hindi nagkikita tapos ganito pa siya. Madalang ng magparamdam sa phone.
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration. Nasa harap ko ang sandamakmak na schoolwork na kahapon ko pa tinatapos. Ganito talaga ka-hassle kapag papatapos na ang schooling at graduating ka pa. Hindi mo na alam kung anong uunahin mo. Pero ako, alam na alam ko kung anong una palagi sa akin. Iyon ay si Dari. Kaya hindi ako napapagod na tawagan at itext siya kahit pa madalas ay hindi niya sagutin ang mga tawag ko.
Gaano ba siya ka-busy doon sa campus nila? Well, naiintindihan ko naman. College na siya at may pinatutunayan. Susuportahan ko siya kung ano man ang hangarin niya.
"Apat yung panelist? Sige, magpapadagdag pa ako ng pagkain para sa isa. " natataranta kong sabi nang dumating na ang araw ng defense namin.
Wala akong ibang maramdaman kundi purong kaba. Nanlalamig ang kamay ko. Sobra ang kabog ng puso ko na parang lalabas na sa ribcage ko. Nakakakaba ng sobra.
"Laine! Magsisimula na daw after five minutes! Asan na yung mga pagkain ng panel? " taranta ring sabi ni Megan.
Tinawagan ko ulit ang dalawa naming kagrupo na naatasan kong bumili ng foods and drinks para sa panel. Kanina ko pa sila pinaalis pero hanggang ngayon ay wala pa rin.
"Hello!? " tumaas ang boses sa sobrang taranta.
"Pabalik na kami. Ayusin niyo na yung laptop dyan! " sambit ni Manuel.
"Bilisan niyo! Mag-uumpisa na! " sigaw ko at pinatay ang tawag.
Kinuha ko ang laptop sa desk ko at binuhay na ito. May projector naman para sa lahat ng grupo.
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na ang sina Manuel at Baste. Dala nila ang pagkain para sa panelist. Mabilis silang lumapit samin.
"Brainstorming ulit tayo. Baka tayo ang una. " kinakabahan kong sabi.
Hindi na sila umangal at sumunod na lang sa gusto ko. Tapos na ang isa naming kagrupo na gumawa ng nameplate namin. Naka-pormal kaming lahat ngayon dahil required.
Hinati namin ang bawat chapter sa isang tao para hindi magsapawan. Ako na ang kumuha sa introduction at chapter one. Lima lang kami sa grupo kaya obvious naman na tig-iisa kami ng chapter.
Matapos ang ilang minuto ay pinatawag na ang grupo namin. Hindi nga ako nagkamali, pang-una kami.
Nagtungo kami sa conference room dala ang laptop at pagkain. Parang tuod akong pumasok sa malamig na silid nila dahil may aircon. Surprise ang panelist namin kaya hindi sinabi kung sino-sino. Inasikaso ko muna ang laptop at tinulungan ako kagrupo kong I-connect ito sa projector. Kinakabahan kaming lahat habang nag-aayos. Nanginginig nga ang mga kamay ko ngunit hindi ko lang pjnahalata.
Nang matapos ang preparasyon ay humarap na kaming lahat sa panelists. Naibigay na ni Megan sa kanila ang pagkain at inumin. Pampalubag ba habang pinakikinggan kaming mag-defense.
Surprise nga! Nakakatakot ang mga itsura ng mga panel. Akala mo ay mangangain ng tao. Hindi sila ngumingiti bagkus ay seryoso lang nakatingin samin. Dumoble ang kaba ko.
"Let's start? " magalang kong tanong sa kanila.
Tanging tango lang ang ginanti nila sakin. Suminghap ako ng maraming hangin bago nag-umpisa.
BINABASA MO ANG
Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)
Teen FictionSeries 1 of 3 COMPLETED Nagkakilala... Niligawan... Sinagot... Puno ng matatamis na salita ang kanyang bawat salitang kanyang binibigkas. Nangako ng walang hanggang pag-ibig... Masaya naman kami nung una... pero sa una lang pala.