WARNING: SPG! 18+
Maganda ang naging takbo ng unang taon naming pagsasama ni Dari. Marami kaming memories na binuo at patuloy pang bubuuin. Marami akong mga natutunan sa kanya. Pati ang pag-uwi ng umaga sa bahay at pag-absent sa eskwela ay nagawa ko sa loob ng isang taon namin ni Dari.
Ngayon ay hindi ko na mabilang pa kung ilang regalo at sulat ang ibinigay niya sa akin. Marami akong naipong letters mula sa kanya at inilalagay ko ito sa espesyal na kahong nakatago sa cabinet ko. Mahilig talagang gumawa ng love letters si Dari. Marami na rin akong litrato namin na naipon dahil mahilig din siyang magpa-print nito. Napaka-sentimental na tao ni Dari. Lahat sa kanya ay mahalaga. Kahit maliliit na bagay na nagmula sa akin ay iingatan niya katulad ng pag-iingat niya sakin.
Napakasarap magmahal ni Dari. Ipaparamdam niya sa iyo na ikaw lang ang babae sa mundo niya. Ipaparamdam niyang ikaw lang ang tanging nakikita niya. Sinabi niya pang kaya niyang talikuran ang lahat para sa akin. Ganun niya ako kamahal. Kaya hindi na ako nagtaka maalalang tumagal sila ng ex-girlfriend niya ng ilang taon.
Ngayong grade 12 na kaming tatlong magkakaibigan ay medyo nag-mature kami ng konti. Si Dari ay first-year college na ngayon at kumukuha ng kursong civil engineering. Pag nagkataon ay mayroon na akong engineer na boyfriend. I can't wait that to happen. Marami sigurong maiinggit sa akin dahil gwapo at mabait na ang boyfriend ko, engineer pa! Ako na ang pinakaswerteng babae sa mundo kapag nangyari iyon.
"This is it, girls! Makakagala na rin tayo sa wakas. " excited na sabi ni Grace.
"Thanks God! Tapos na rin tayo sa booth na yan! Mabuti nang tayo ang gumawa para ayos lang kahit hindi na tayo pumasok. Gumala na lang tayo kahit saan. " paliwanag ni Marie.
Inatasan kasi kami ng president namin na gumawa ng horror booth para sa Halloween special ng aming campus. Kami ang pinagawa dahil kilala kami ng president na palaging absent kapag may gaganaping event sa school. May grades pa naman kapag papasok ka at sumasali ka sa mga activities. Kaso kaming magkakaibigan ay wala talagang hilig sa mga ganyan. Mas gugustuhin pa naming maggala sa mall kesa makihalubilo sa mga students dito.
Ngayon ay pwedeng pwede na kaming umabsent dahil kami ang gumawa ng horror booth dito sa room. Sa amin ang grade na ito!
"Gusto kong uminom sana ngayon. Matagal na rin mula nang makatikim ang tiyan ko ng alcohol. " nakangusong sabi ni Grace.
"Ah-huh? Eh ano yung story mo sa fb na puro alak sa ref niyo? " nagtataka kong tanong.
"Haler! Baka sabihin kasi ng fb friends ko na bawal na ako sa alak. Kaya ayan! Nag-my day ako ng drinks sa ref namin. Nag-inuman kasi sina papa at yung mga kaibigan niya. " pagtanggol niya sa sarili.
Napairap ako sa kawalan. Ayaw niya talagang nawawala siya sa uso. Gusto niya pang malaman ng social media friends niya na lasinggera siya. Tch!
"Sige, mag-inom na lang tayo ngayon. " pinal na sabi ni Marie.
"Ay? Broken ka girl? " patutsada ni Grace.
"Gaga! Gusto ko lang din makatikim ng alcohol. " paliwanag niya.
"Talaga lang huh? Nakita ko mga shared posts ni Kel sa fb! Akala mo broken na single! Nag-away kayo! " bulyaw ko.
Sumama ang timpla niya at biglang sumeryoso. Pinaglaruan niya ang cellphone niyang hawak at napatingin sa kawalan. Broken huh?
"Anong meron sa inyo? Magkwento ka kaya! Makikinig kami! " sambit ni Grace.
May tatlong araw ko na din siyang nakikitang malungkot at mukhang may pinoproblema. Malamang ay may misunderstanding nga sila ni Kel.
BINABASA MO ANG
Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)
Roman pour AdolescentsSeries 1 of 3 COMPLETED Nagkakilala... Niligawan... Sinagot... Puno ng matatamis na salita ang kanyang bawat salitang kanyang binibigkas. Nangako ng walang hanggang pag-ibig... Masaya naman kami nung una... pero sa una lang pala.