Ngayong araw ang usapan namin ni Marietta na magsho-shopping kami sa mall. Remember? Bibili kami ng makeups ko para hindi na ako manghiram sa kanya. May ipon naman ako kaya keri lang.
Natapos na ang recess nang dumating ang magaling kong kaibigan. See? May sarili talaga siyang schedule! Hindi na ako magtataka kung bagsak siya this grading! O ang mas malala pa ay maging repeater siya.
"Sabi sakin ni Kel nagkaka-mabutihan na raw kayo ni Dari ah! " pambungad niya sakin.
"Can you please don't call him Dari!? Ako lang ang tatawag sa kanya non! " banas kong sabi.
Nakangiwi niya akong binalingan. Animo'y diring-diri. Inirapan ko nga ng bongga!
"May pa callsign ka pa sa kanya e hindi naman magiging kayo! "
"Sinong nagsabi na hindi magiging kami? For your info, magdamag kaming magka-chat kagabi! Inabot na nga kami ng madaling araw e! " mayabang kong sabi.
Nanahimik siya at di nakapagsalita.
"See? Malapit na kami sa forever! Wait ka lang dyan. " pagmamalaki ko.
Inirapan niya din ako. "Edi maganda! Wala ng manggugulo sakin! Magpakasaya kayong dalawa! "
"Talaga! Baka kami pa makapag-patunay na may forever! "
"Tss! Kala mo kung sinong may experience! Hoy! Para sabihin ko sayo appetizer palang yan si Darius! Kung baga marami pang lalaking mapupunta sayo at matitikman mo! Wag kang magsalita ng tapos! Alam na alam ko na iyan! "
"Say what you want! Hindi rin naman kayo magtatagal niyang si Kel! Pampalipas oras niyo lang ang isa't isa! Hmp! "
"Huh! Magtatagal kami ni Kel noh! And I promise na siya na ang magiging huli ko! May plano kaming magpakasal! "
"Lahat naman ng magjowa atmy nagpaplano ng kung ano-ano! Sa huli maghihiwalay lang din! "
"Hoy! Kung makapagsalita ka parang hindi ka mapupunta sa puntong yan ah! Hintayin mo lang, Lalaine! Magpaplano rin kayo ni Darius! "
Hindi ko na siya sinagot dahil nababanas na ako ng sobra sa kanya. Don't worry guys, hindi pa mag-eend ang friendship namin. Ganito lang talaga kami mag-usap, halos itakwil na namin ang isa't isa.
Nagdiwang kaming buong klase nang ianunsyo ng president na hindi makakapasok ang huli naming period teacher. Sa wakas wala kaming gagawin bago mag-uwian! Maaga kaming makakapagpaganda ni Marie. Pero bawal pang lumabas dahil may bantay na guard.
Napaka-ingay ng mga kaklase ko. Kahit pa may teacher na nagti-table sa loob ng room. Hindi sila papaawat at patuloy lang sa paglalaro.
Heto kami ni Marie sa dulo ng row. Tamang chat lang sa mga bebe namin. Kinikilig ako ng sobra sa mga chat namin ni Dari.
Dari:
Sayang naman. Labas sana tayo ulit e.
Seen.
Ako:
Gusto mo sumama ka na lang samin. Okay yon para masaya.
Sent.
Himala talagang mabilis pa sa bullet train kung magreply ngayon sakin si Dari. Napagtanto niya na bang mahal na mahal niya ako? Kyaaaah!
Dari:
Nakakahiya naman. Sige bukas na lang tayo labas para masolo kita.
Seen.
Napatakip ako sa mukha ko sa sobrang kilig. Bolero talaga itong si Dari! Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Flirt (Sa Una Lang Pala Series #1)
Roman pour AdolescentsSeries 1 of 3 COMPLETED Nagkakilala... Niligawan... Sinagot... Puno ng matatamis na salita ang kanyang bawat salitang kanyang binibigkas. Nangako ng walang hanggang pag-ibig... Masaya naman kami nung una... pero sa una lang pala.