FaceTime

4.9K 53 63
                                    

Vice

"Mag-iingat ka do'n ha? Tska huwag na huwag kang mangbibingwit ng lalaki doon." May diin at seryosong sabi ni Ion sa akin nang ihatid niya kami sa airport. Nauna na sa labas ang mga kasamahan ko habang kaming dalawa ay nandito pa sa loob ng van.

Natawa ako at hinampas siya ng marahan, "Baliw. Ikaw lang ang lalaking bibingwitin ko 'no." Natatawa kong balik. He held my hand.

"Seryoso nga kasi ako. Kapag talaga nalaman ko na nangbingwit ka ng Hapon doon, susundan kita at titirahin sa harap—"

"Dami-dami mo nang paalala, Ser. Kung ano-ano tuloy lumalabas sa bibig mo." Napahawak siya sa pisngi at tumawa nang sampalin ko ito. Ang bastos kasi ng bunganga, baka hindi na ako makaalis🤪.

"Babe." Tawag niya sa akin habang nagtatype sa telepono. Karylle kasi, ang dami-daming pinapabili. Yung collagen pa daw ni Vhong, yung chane ni Jhong, yung ramen daw sa nissin ampota! Daming tugon ng mga bwisit.

"Babe!"

"Oh—" He kissed me and held my face. Ang bawat halik na tinutugon nito sa akin ay malalim at may diin, tila ba hindi natikman ito nang ilang buwan. The kiss continued. Dumapo ang mga kamay ko sa matitipuno niyang bisig habang mga kamay niya ay bumababa na ng aking bewang.

"Meme — ay sorry." Natinag kaming dalawa ni Ion nang marinig ko ang boses ni Buern at ang pagbagsak ng pinto ng van. Nagkatinginan kaming dalawa at kapwa nagtawanan.

We both stepped out of the van and walked towards my friends. Kapwa silang naghihintay sa akin. Hila ni Ion ang maleta ko habang ang kamay ko naman ay nakaangkla sa mga braso niya.

"Ano oras flight?" Tanong ko sa mga bakla.

"10:45." Sagot ni Budi. Tumingin ako sa relo ko, gago! 10:35 na!

"Mg putangina, bakit hindi niyo ako tinawag?!" I exclaimed. Natawa silang lahat sa reaksyon ko.

"Tatawagin ka na sana kaso mukhang may milagro na atang nangyari sa van." Sagot ni Kitty at kinindatan si Ion. Hinampas ko siya at pinandilatan.

"Walang nangyari ah. Laplapan—"

"Sasagot pa!" Nahihiya ko nang singhal dahil kay Ion. Natawa silang lahat. Pinanlisikan ko ng mata si Ion at para bang sinasabing sumagot-ka-at-wala-kang-pasalubong. Natawa lang ang gago at hinalikan ako sa noo.

"Sa Japan ka na maghanap ng papa mo, harot-harot." Baling ko sa maharot na si Kitty. Tumawa ulit ang mga bakla at nauna nang maglakad. Naiwan ulit kami ni Ion.

He held my face, "Papakabait ka doon ah tska huwag maharot." Paalala nito.

"Oo na, Ser. Pajuliet-juliet?" Pabiro kong sabi. Natawa kaming dalawa.

si author masayahin amp, puro tawa.

"Tawag ka mamaya kapag dumating na kayo ha? Mag-iingat ka." Anito. I gave him a sweet smile and hugged him.

"I love you, betle."

"I love you too." Sagot ko bago niya ako binigyan ng masuyong halik sa labi.

"Meme kanina pa kayo, halika na!" Singit ni Buern. Pinandilatan ko lang ito saka sumama sa kaniya.

"Kaluguran daka, Vice!" Kinilig ako ng marinig ang sigaw ni Ion. Hindu ko na nagawang lumingon pa dahil nagmamadali kami ni Buern.

Pagpasok namin, agad akong binati ng Flight Attendant. Kasabay ko si Buern na ngayon ay may hila-hila ng maleta ko. Nginitian lang namin ang FA at agad na hinanap ang mauupuan namin.

Seductive Love Where stories live. Discover now