Gabing Gabi na Ion

4.9K 66 41
                                    

Ion

"Babe." Panglalambing ko habang nagmemake-up siya. May Facebook Live kasi siya kasama sina Kuya Vhong at Kuya Jhong.

"Huy babe, ano ba. Hindi ko matapos-tapos itong make-up ko dahil sa kakayakap mo." Maktol niya habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. I pouted.

"Magmake-up ka lang diyan at hayaan mo akong yakapin ka." Sagot ko na lang at isinubsob ang mukha ko sa leeg niya. I can't resist her. Sobrang bango niya. Hindi ko na namalayan, naidlip na pala ako sa leeg nito.

"Babe." Gising niya. I scratched my eyes and look at our reflection in the mirror. I smiled.

she's the definition of perfect.

Simple lang ang make-up niya pero kitang-kita ang elegante niyang mukha. Alam niya naman na kahit wala siyang make-up, mahal na mahal ko siya. Tumayo siya at pumunta sa walk-in closet. Ang tanging suot lang kasi nito ay ang itim na bathrobe. Hinintay ko ito hanggang makalabas siya mula sa loob.

"Oh, ba't 'yan pa rin suot mo? 'Di ka magbibihis?" Nagtatakang tanong ko dahil suot pa rin nito ang bathrobe na itim.

"Secret, baka i-IGS mo." Nakangising sabi niya pagkatapos ay natawa.

"Kakaasar ka." Napapailing kong sabi sabay higa. Tumawa ito at nilapitan ako. She cupped my face.

"I love you, babe." Malambing niyang sambit. I just smiled and planted a soft kiss in her lips. Napangiti lang siya bago bumangon. May kinuha itong bimpo sa drawer.

"Lika na, kain tayo." Yaya niya. Wala pa sana akong balak tumayo ngunit pinilit niya ako. Habang hawak ang kamay niya, bumaba kami sa hagdan. Agad naman kaming sinalubong ng mga alaga naming aso.

"Baby!" Masayang wika niya nang makita niya si Baddi. Binuhat niya si Baddi habang ang iba naming aso ay hinayaan lang na sumunod at magpalambing sa amin.

Pagdating sa kusina, nadatnan naming kumain sina Justin at Orli. Mukhang kababago lang din nila kumain. Naupo si Vice sa tabi ko. Masaya kaming apat na kumain hanggang sa dumagdag na ang ibang kasama sa bahay. Mukhang mataas ang energy ni Vice, hindi ko alam bakit. Tuwing tumatawa siya, pinanonood ko lang ito. Hindi ko alintana ang make up niya, ang bukbok sa pisngi niya, ang pagkasalaula nito minsan ngunit isa lang ang napatunayan ko. Mahal na mahal ko siya. I love her flaws, her imperfections, her everything.

"Huy!" Natatawang sambit nito. Umarko ang kilay kong napatingin sa kaniya.

"Nakatitig ka na naman sa akin." Natatawang dagdag pa niya.

"Gandang-ganda ka na naman kay Ate. Puro bukbok na nga 'yan eh." At humagalpak sa tawa si Orli at Justin. Nakita kong pinanlisikan sila ng mata ni Babe kaya tinawanan ko siya. Akma niya pa sanang batuhin ng tinidor ang dalawa ngunit agad kong nabawi sa kamay niya ang tinidor.

"Pagantihin moko! Sasapakin ko 'yang dalawa na 'yan!" Singhal niya. Hinawakan ko ang kamay niya at tinapat ito sa pisngi ko.

"Hayaan mo na sila, masaya sila." Natatawang sagot ko. Tiningnan niya ako at natawa, nakuha pa akong sampalin.

"Love you." Mahina ngunit may lambing kong sabi. Nakita ko siyang ngumiti, namumula pa ang pisngi. Halatang kinikilig. Tumingin siya sa mga mata ko at ganon rin ang ginawa ko. Hinawakan ko ang kamay niya at buong pusong hinalikan ito.

Sa kabilang dako, hindi naman magkamayaw sa paghampas si Justin at Orli sa isa't-isa. Kinikilig ang dalawa. Parang hindi naman alintana ng dalawa na may tao sa kanilang paligid. Taimtim lamang silang nag-uusap habang si Ion ay may panaka-nakang paghalik sa palad ni Vice.

Seductive Love Where stories live. Discover now