1M or Me?

2.9K 41 23
                                    

Vice

"Girl, out ako mamayang alas-syete." Vern said to her friend, Amarantha. Nagtaka naman ang kaibigan nito dahil hindi naman iyon ang out niya. Vern usually out at 9, palagi itong nag-oovertime and she don't know why.

Nakataas ang kilay ni Mara, tinatantiya kung anong nakain ng kaibigan, "Bakit ang aga? Aka—"

"Basta Mara." Yun lang ang sagot ko. Mukhang hindi naman iyon malaking deal kay Mara at natahimik na lang.

Habang tinatapos ang iilang papel, iniisip ko kung tama nga ba ang gagawin ko.

"Choose wisely, Vernice.." Bulong sa kaniya ng lalaki.

Ah, basta. Bahala na. Gagawin ko 'to para kay Kiara at Finn, para kay Mama. After i finished all them, i fixed my things and put it all in my bag.

"Girl, mauuna na ako sa'yo. Mag-ingat ka pauwi ah?" Paalam ko kay Mara at humalik sa pisngi niya. Nakakunot pa rin ang noo niyang sumagot sa akin.

"Okay. Bye, ingat ka rin." I just gave her an apologetic smile. Inayos ko ang pack bag ko pati na ang slacks ko.

Pagkalabas ko ng building, nag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tiningnan kung sino ito.

1 text message received!
From: I——
"10 minutes to go here. Hurry or else."

Napakuyom ang kamao ko nang mabasa iyon. Tangina, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng katawan ko. Parang nanghihina ang mga tuhod ko na ewan. Napabuntong hininga ako.

love...

Pumara ako ng taxi at sumakay doon. Sinabi ko ang address kung saan ang condo niya.

Habang binabaybay ang EDSA, i dialed Kiara's number.

"Hello love?"

"Love." Nanghihinang tugon ko.

"Love, nandiyan ka pa ba? Oh Daddy, i'm feeding Finn. Finn, say hi to Daddy."

"Dwadwaaaa!" Rinig ko sa kabilang linya ang tawa at pagtawag sa akin ng anak ko. Mas lalo akong napakuyom at nararamdamang unti-unting tumulo ang luha ko.

"Love,"

"Kiara Padilla Viceral."

"Yes my lovey? Himala naman—"

"Love, i love you." Pinigilan ko ang humikbi. Love...

"Ay sus! I love you too! Uwi ka na ha? Sige na muna, Daddy. Finn needs to eat hehe."

"Finn finn, say bye na kay Daddy?"

"Dwadwaaaaaa!"

"Ayan hehehe. Love you, love!" She giddily said and ended the line. Ibinaba ko ang cellphone at nilagay sa bulsa ko. Maya-maya lang ay nakarating na ako sa condo na tinext niya sa akin.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nagtype.

To: I——
"I'm here at the lobby, Sir."

Yun lang ang tinext ko at tuluyan nang pumasok. Hindi ko na pinansin ang guard pati na rin ang receptionist at pumasok kaagad sa elevator.

"Good evening sir, what fl—"

"25th floor please." Sagot ko agad. Narinig kong pinindot niya na ang button at nagsimula nang umakyat ang elevator.

Pagdating sa 25th floor, nakita ko agad ang numero ng kwarto niya. Lumakad ako papalapit sa pintuan at tumayo, iniisip kung papasok ba ako o hindi.

Seductive Love Where stories live. Discover now