The Bed Went Oops

5.2K 63 28
                                    

Ion

"Babe!" Tinanggal ko ang airpods ko nang bigla akong tinawag ni Vice. Masayang-masaya ito base sa reaksyon ng mukha niya. Kumunot ang noo ko.

himala at maganda ang mood ni Incredible Hulk.

Naupo ito sa harap ko at masaya akong hinalikan sa pisngi, "Samahan mo ako?" Tanong nito.

"Ha? Diba bawal lumabas? Naka-qua—"

"Tange, sa kwarto! Magtitiktok ako tapos magtitiktok tayo pagkatapos." Excited na excited na sambit nito. Natawa lang ako sa kaniya. Kung hindi kasi live sa Facebook, live sa Instagram, nagagawa nitong mag-save ng pictures namin na edited sa Twitter, nanonood siya ng mga latest trend sa Tiktok. Masayang-masaya siya habang nanonood, animo'y walang problema.

"Tayo na, biliiis!" Anito at hinila-hila ako patayo. Tumayo ako at inayos ang damit bago sinuot ang tsinelas.

"Ba't ka nakamake-up?" Tanong ko nang mapansin ko ang mamula-mula niyang pisngi. Mukhang hindi pa nga ito natapos kasi isang kilay pa lang ang nakikilayan nito.

"Secret. Malalaman mo mamaya." Anito at humalakhak. Napailing-iling na lang ako. Habang paakyat kami sa hagdan, sumalubong sa amin si Baddi.

Binuhat siya ni Vice at kinausap na parang bata, "Hi baby! Gusto mo makitiktok? Gusto mo sama ka sa video namin ni Daddy, hmm?" Tanong nito habang paakyat kami sa hagdan papuntang kwarto. Masiyado siyang busy kaka-entertain kay Baddi kaya naman inalalayan ko na lang siya papuntang kwarto. Pagdating namin sa loob, sinara ko ang pinto at ibinaba nito si Baddi.

Nang makita ko ang kama namin, bigla akong naguluhan.

ang kalat talaga nitong babaeng (?) to.

"Ba't nandiyan yung mga damit mo?" Tanong ko sa kaniya. Umupo ito sa harap ng salamin at sinimulang ayusin ang hindi natapos na kilay.

"Basta Babe. Ma-sspoil mo yung gagawin ko eh, dami mong tanong!" Mataray nitong sabi. Natawa lang ako at naupo sa kama. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na itong magmake-up.

"Babe, suot mo sa'ken 'tong wig ko, pleaaaase?" Pagpapacute nito. Tumayo ako at kinuha ang wig.

"Ano na naman ba kasi 'to, Babe?" Tanong ko sa kaniya. Tumawa lang siya at ngumisi. Hindi sumagot amp. Pagkatapos kong ilagay ang buhok niya, tumayo ito at kinuha ang cellphone.

"Babe, 'lika. Picture tayo." Anito at pinpwesto ang sarili sa salamin. Wala na akong maggawa kundi ang sakayan ang trip niya. Hinawakan ko ang bewang niya at ihinilig ang ulo ko sa balikat niya saka nagpacute sa camera. Ilang picture pa ang kinuha namin nang mapagpasiyahan nitong tumigil.

"Magtiktok na tayo!" Natawa lang ako dahil parang bata ito. Umupo ako sa tabi niya at sinabayan ang bawat trip nito.

1
2
3
4
5
6
7

Pitong ulit sa isang video. Ang kulit-kulit talaga.

1
2
3
4
5

Limang ulit sa pangalawang video.

"Hay nako, Babe! Itigil na nga natin 'to. Naiinip na ako. Gusto na kita yakapin." At niyakap ko siya pahiga sa kama.

"Huy ano ba, Babeee. Mamaya na, okay? May ilang video pa tayong gagawin oh?" Wala akong naggawa kundi ang bumuntong-hininga at sakyan na lang ang trip niya.

Nang matapos kami sa walong video, sinave niya lang iyon sa drafts. Sabi niya, saka niya na lang daw ilalabas para mabaliw daw ang mga fans namin. Maya-maya lang ay tumayo siya galing sa pagkakahiga sa dibdib ko.

Seductive Love Where stories live. Discover now