Alamat ng Camping

3.7K 58 44
                                    

Ion

"Sino pa bang kulang? Aalis na tayo?" Tanong ni kuya Jhong habang binibilang kung sino pa ang hindi dumarating.

"Si Anne na lang yata." Sagot ni Vice. Magkatabi kami sa upuan. Nasa bandang gitna kami, si kuya Jhong, Vhong at ate Karylle ay nasa harap habang sina kuya Teddy, Jugs at Ryan ay ang sa likod. Katabi naman ni Babe mamaya si ate Anne.

Vice leaned her head to me, "Ang tagal nila, naiinip na ako." Ani nito. I smiled and caressed her hair.

"Mainipin ka, gh0rl?" Asar ko at natawa siya. Hinampas niya ako.

kahit kailan, napakabrutal.

"Che!" Singhal niya at natawa. I held her hand. Ngayon na lang ulit kami nakapagbonding. Ako at si Vice kasi ay busy sa mga events na pinapabook sa amin. Si ate Karylle naman ay direktor, si ate Anne ay nurse, si kuya Vhong at kuya Jhong ay may-ari ng isang studio at nagmamanage rin ng mga batang dancers, si kuya Teddy at kuya Jugs ay mga sikat na singer at si Ryan ay isang sikat na Youtuber.

Nang makarating na si ate Anne, dahan-dahan naming tinahak ang daan papuntang Camp Sabros kung saan kami magca-camping. Naging maingay ang buong biyahe sa pamumuno nina kuya Vhong. Si Vice ay tahimik lang na nakikinig ngunit nakikitawa naman, sadiyang pagod lang siguro.

"Si Vice nung nakita ko 'yan sa Xylo, todo sayaw 'yan eh. Sino ulit kasayawan mo no'n?" Baling sa kaniya ni kuya Vhong. Tiningnan ko siya at binigyan ng what-is-he-talking-about-look.

"Walanghiya ka talagang pango ka! Tumahimik ka diyan." Singhal ni Vice at ibinato kay kuya Vhong ang hawak niyang bote ng C2. Natahimik ako.

sino naman kaya ang kasayawan nito?

"Uy babe." Pagtawag niya ng atensyon ko pero hindi ko siya pinansin. Balakajan.
Isiniksik niya ang sarili niya sa akin at hinawakan ang kili-kili ko.

"Patay ka, Vice. Nagseselos 'yan." Asar ni kuya Jhong.

"Hindi naman magseselos kung hindi niyo ako inaasar. Street boys na 'to, naalog ata utak habang sumasayaw." Vice joked around. Natawa ang lahat except for Ion.

sino ba kasi yun?!

Nang nasa kalagitnaan na ng biyahe, nakatulog na ang ilan sa aming kasamahan ngunit kami ni Vice ay hindi pa. Nanonood kasi siyang Netflix kanina at ngayon ay naburyo na naman kaya ako ang pinagtitripan, ibebraid niya raw buhok ko.

"Babe, smile ka na? Wala lang naman yun eh. Sige naaaa." Pagpapacute niya. I looked at her, she's pouting. I rolled my eyes and chuckled.

"Oo na." Her smile went wide. She cupped my face and showered kisses upon my whole face.

"Ayan, para hindi ka na magalit." Anito at hinalikan ulit ako sa lips. Iniangkla niya ang braso niya sa braso ko at idinantay ang ulo sa balikat ko. Maya-maya lang ay bumangon ito at hinanap ang airpods. Nang mahanap niya na, ikinonek niya ito sa cellphone niya at isinalampak ang isa.

"Hmm." She hummed and lent me the other pod. Bumalik siya sa pagkakadantay at ako naman ay inilagay ang airpod sa tenga ko.

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa.

Hinawakan ko ang kamay niya at dahan-dahang pinalandas ang mga daliri ko sa hita niya.

Tanaw pa rin kita, sinta.
Kay layo may nagniningning,
Mistula kang tala.
Sa tuwing nakakasama ka,
Lumiliwanag ang daan sa kislap nang iyong mga mata.

Seductive Love Where stories live. Discover now