TWO

1.8K 32 0
                                    


Maaga ng gumising si Florence para di na maulit ang nangyari kahapon, nagshower na sya at pagkatapos ay isinuot na ang maikling palda nila na kalahati lang ng hita ang matatakpan at ang gala nila na labas ang kanilang puson.



Isinuot niya na rin ang socks na hanggang tuhod ang taas saka bumaba na para kumain.



"Oh kamusta naman ang klase mo?!" mataray na tanong ng kanyang step aunt na pansamantalang pinagtutuluyan niya ngayon dahil dito siya dinala ng uncle Robert niya magmula ng maghiwalay ang parents ni Florence.



"Maayos naman po tita.." magana at magalang na sagot ng dalaga na kahit suplada ang step aunt niya ay ginagalang niya pa rin ito.



"Mabuti naman kung ganon.. mamaya ikaw lang mag isa dito sa bahay at may kasal doon kila Leny kaya makikitulong ako.. bahala ka muna rito.. di din uuwi ang tito Roberto mo ngayon, at sa susunod na biyernes pa ang uwi kaya ikaw na ang bahala dito.." Paliwanag ng kanyang step aunt na kahit may kalakasan ang boses ay natitiis nito dahil natatakot at baka bigla na lang siyang palayasin sa bahay.



"Sige po tita ingat na lang po kayo doon.." magalang na sagot ni Florence saka nag umpisa na ring kumain.



∞∞∞∞∞



Iniligpit niya na muna ang kanilang kinain at ng matapos ay mabilis na hinablot ang bag saka nag para ng ng tricycle sa labas.



She check her watch and it's already six thirty in the morning ng makasakay siya.



Saktong alas syete ng makarating siya sa sa golden gate ng Los Banos Private College University.


Nagbayad na sya sa driver at kinuha na ang mga gamit.


Nakapasok si Florence sa Private University na ito dahil nakapasa siya sa scholarship test ng school.


Pumasok na sya sa gate at mabilis naman chineck ng guard ang kanyang ID ng matapos ay naglakad na siya paputa sa building ng Marketing may nakasabayan pa syang mga kumpol ng lalaki at naramdaman nitong tila hinawakan ang kanyang hita dahil siksikan na doon.



Hindi niya na lang iyon pinansin at patakbo ng pumunta ng third floor.



Sa pagpasok niya ng pinto ay bigla niyang nabangga ang kanyang propesor na palabas na.



"Sorry po prof. McLymont.. hindi ko po sinasadya.." saka pinulot ang mga nahulog na gamit ng kanyang propesor.

Professor's Secrets Rated SPG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon