NINE

1.3K 17 0
                                    

Isinabay na ni professor Henry ang dalaga papuntang university na pinagtatrabahuhan nito at pinapasukan din ng dalaga.


"Hi Flo.. kamusta week end mo?" tanong bigla ni Talia ng makita itong naka upo sa respected chair nito.


Hindi naman nakasagot ang dalaga and gave a fake smile to Talia.


She was to speak when their professor's come.


Nakita ni Florence na luminga pa ang mga mata nito na tila may hinahanap.


Until his eyes caught her, kaya sandaling nagtama ang kanilang mga mata, nag iwas na ng tingin si Florence at kunyaring inayos na ang kanyang upo.


"Okay, bring out your reseach about our topic last friday.. at magkakaroon tayo ng oral recitation for thirty minutes and another thirty minutes for hard quiz and after that ay pwede na kayong umalis.." rinig ng dalaga na paliwanag ng professor.


Nagtaas naman ng kamay si Talia na itinuro naman ng propesor.


"Sir may matitira pa po tayong one hour.. what do you mean po sa sinabi niyo kanina..?"


Tanong naman nito. Nakita ng dalaga ang pamumula ng mukha ng propesor at alam niyang galit na ito marahil ay hindi siguro naintindihan ni Talia ang sinabi ng kanyang propesor.


"Did you get my point?! Ms Talia! lahat sila ay alam na ang gusto kong iparating! sit down!"


Nagulat si Florence dahil sa tono ng boses nito, narinig niya naman na humingi ng pasensya ang kanyang kaibigan.


Nagsitahimikan naman na ang lahat at nag umpisa na ang mga sinabing gagawin ng kanilang propesor.


Lahat ng katanungan ay nasasagot naman ng mabuti ni Florence ng may self confidence, kaya naman tuwing sasagot ito ay napapatingin na lang sa kanya ang mga classmates nito.


Matapos ang thirty minutes of recitation ay sumunod naman ang kanilang quiz.


"After this ay lumabas na kayong lahat except you, Miss Collier.."


Nagulat naman ang dalaga ng ipaiwan ito ng propesor. Inalala niya na wala naman itong nagawang kasalanan. Tumingin siya rito na tila nagtatanong na mga tingin.


Nag iwas lang naman ang propesor saka kunot noong inabot sa mga nasa harap ang seat quiz nila.


Madali lang iyon para kay Florence dahil isa siyang valedictorian from her last school.


Sampung minuto pa lamang ang nakakalipas ay umupo na sya ng tuwid ng matapos ang three page na kanilang quiz.


"Done miss Collier?" tanong nito at nagtinginan sa kaniya lahat ng kanyang mga ka-klase. Tumango lang ito saka matipid na ngumiti.


Professor's Secrets Rated SPG (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon