DAAN

18 6 0
                                    

Nakita kitang wasak sa gitna ng daan
Nilapitan kita noon at pinatahan
Wasak kitang natagpuan
Nakakatawang wasak mo rin pala akong iiwan

Nakita kitang mahina at sugatan
Nang nilapitan ay nagkamabutihan
Gumawa ng paraan upang ika'y maligawan
Pagmamahal iyan ang aking naramdaman

Ngunit ang panglalamig mo'y 'di natagalan
Kusang lumabas sa bawat panahong dumadaan
Bumalik ang tao galing sa'yong nakaraan
Masaya akong isa ako sa'yong pinagpilian

Ngayon ay nandito na naman ako sa gitna ng daan
Nakatanaw sa inyong dalawang nagtatawanan
Nasa sitwasyon kung saan kita namataan
Sana ingatan ka na ng taong nanakit sa'yo ng minsan

𝒱𝒾ℯ𝓃𝓉ℯ𝒴𝓃𝓊ℯ𝓋ℯ

Metanoia (Poem Compilation)Where stories live. Discover now