Pagkatapos nung araw na yun halos mapuyat ako sa sobrang kilig.
Lagi na kaming sabay kumain. Di na rin ako masyadong naninilip sa office dahil lagi naman kaming sabay kumain.
"Sabay na tayong umuwi mamaya." Sabi nya pagkatapos kumain, nagulat ako.
"Ah.. ehh.. may dala akong sasakyan. Wag na lang." Ani ko. Pero wes gusto ko din talaga.
"Iwan mo nalang si Arthur nang bahala." Utos nya. Parang boss ko lang ah?
"Pa-a-no naman si Almira? Kala ko ba sabay kayo lagi." Fishing din ang lola mo hahaha.
"She's in States, binibisita yung mga relatives nya." Sabi nya.
"Okay." Pumayag nalang ako gusto ko din naman eh.
Nakasunod lang ako sa kanya papuntang kotse. Pinagbuksan nya lang ako ng pinto.
"Ah-uhm. Harvey daan ka muna kahit drivethru lang. Bibili akong food."
"Are you hungry? We can go to a restaurant." Ani nya ng may pagtataka.
"No.. no.. i'll just give it."
"Who?!" Taas kilay na naman sya. Taray talaga!
Tumungo nalang ako.
"Eli? Do you crave or something? Or you give it to someone?" Nainis sya at iniwan ang order namin.
"I wanna know that guy, ipakilala mo sya sakin." Parang kuya ko talaga.
"What, seriously? Balikan mo yung pagkain." Natatawa ako sa reaksyon nya at the same time nalulungkot dahil di ko mabibigyan ang mga batang lansangan na lagi kong pinapakain.
"They're just a kids. Kalma kuya." Sinamaan nya ako ng tingin. And he drove back.
"Bakit sobrang dami naman nito. Guilty masyado?" Sabi ko. Natutuwa naman ako dahil sobrang pangpagkain ng mga bata to hanggang bukas.
"No, i just want to help too." Sabi nalang nya. Sus, obvious naman na guilty pano pinagdudahan pati mga bata.
"Atii ganda boypren mo po?!" Tanong ni Ayen isa sa mga batang binibigyan ko ng pagkain.
"Naku, hindi kaibigan ko... si Kuya Harvey nyo."
"Sayang naman ate bagay pa naman kayo ni Kuya Pogi."
"Nakuuu.. ano ba kayo may girlfriend na ang Kuya Harvey nyo." Ani ko na lamang upang mabawasan ang kahihiyan.
"At maraming manliligaw ang Ate nyo." Sabi nya na ikinalaki ng mata ko.
"Nanliligaw po pala sainyo si Kuya Raffy? Naku.. bagay din po kayo nun Ate mabait atsaka gwapo din."
"Ay nakung bata ka kung anu-ano nalalaman mo, kumain kana lang jan." Natataranta kong sabi.
Kanina pa kami tahimik, iniiwasan kong mabuksan yung topic kanina. Dahil alam kong maiinis lang sya.
"I thought you're just friends?" Tanong nya pagkahinto ng kotse sa tapat namin.
"Talaga naman. The kids just thought, kasi he's accidentally always with me whenever i go there."
"Accidentally? Psh."
"Ano po bang problema nyo mister? Don't worry i'll update you pag nanligaw na uli sakin." Ani ko ng naiinis.
"Eli, wait! Sorry okay!"
"Why are you so upset, when it comes to this kind of matter?"
"I'm just being protective here, alam ko kung anong gusto ng mga ganong lalaki."
"Oonga naman, birds with the same feathers." Aniya ko.
"What do you mean?!." Saka ko iniwan sa kotse. Ang antipatikong yun daig pa ang tatay.
"O? Hija bakit ka nakasimangot? Nagkaproblema ba sa kompanya?"
Mama said.
"No ma, i'm just tired pasok na po ako!"
