p r o l o g u e :

37 7 4
                                    


"Where have you been Lorenn?! I'm searching for you everywhere! Pinag-alala mo kami, alam mo ba yon?", agad akong lumingon para tingnan kung sino ang taong nandito. 


Pano nila nagawa sakin yon?!


Nilingon ko lang si Hera, bestfriend ko. She really looked worried. She's still wearing her glamorous dress for my party. Agad nya akong dinaluhan at pinatigil sa pag-iyak. Halos di na ako makahinga sa sobrang iyak ko.


"Shh. Hey, stop crying. Anong nangyare? Lorenn, what happened to you?", paulit ulit nya akong tinanong pero iyak padin ako ng iyak. 


Bat kailangan nilang gawin yon? Tangina!


"Hera, gusto ko na umalis, dun muna ako sa condo mo, please Hera please alis na tayo", pagmamakaawa ko sa kanya habang umiiyak. Tumango-tango sya at tinulungan nya akong makatayo. 


Agad kaming nakarating sa condo nya at agad nya akong pinahiram ng damit saka ako nagpalit. Tulala lang akong nakatitig sa may balcony ng condo ni Hera ng bigla syang tumabi saken.


"Hey, you okay now? Eto oh, tubig, uminom ka muna. Kanina ka pa umiiyak eh, buti naman at tumigil ka na", tanong nya. Lumingon ako at saka bumuntong-hininga.


"Hindi ko na alam Hera. Parang wasak na wasak nako ngayon. I heard everything! Alam ko na ang lahat! Niloko nila ako Hera!", I became hysterical and teared up again. Parang sa tuwing maaalala ko yun ay palaging babaksak ang luha ko.


I still can't stop thinking about what happened. I heard my mom and my dad, oh no wrong! i heard my 'so-called' mom and dad. Tss!


She just hugged me as she caressed the back of my head for me to calm down. Tuloy parin ang iyak ko habang katabi sya. She didn't talk, hinayaan nya lang ako at hinihintay akong magkwento ng buong pangyayare.


"I-I left the main hall for me to change into my party dress and to retouch my make up as well... N-Nasa hallway nako at malapit na sa hotel room ko pero n-narinig ko sila mom at dad na nagsisigawan sa kwarto nila...", I sobbed for a minute. "At f-first, di ko na dapat papansinin dahil baka about lang yun sa business namin but I heard my name...", I stopped for a while para bumuntong hininga.  "A-Agad akong napalingon dun sa kwarto nila, my mom was down on the floor, sobbing and kneeling in front of daddy while my dad really looks mad....", I cried again. She handed me the glass of water at ininom ko agad ang tubig. Medyo hirap narin ako huminga because of too much crying. 


I look at her again before saying what really bothers me the most.


"Ampon ako"







Unpleasant SunriseWhere stories live. Discover now