"Lorenn...", sambit ng taong nasa taong nasa tapat ko at may hawak na inumin na inaalok sa akin.
Nag-angat ako ng tingin at nagulat ng makita ko sya.
Anong ginagawa nyan dito? Lorenn, kalma...
"H-Hi?", nauutal at di makapaniwalang sagot ko.
"Drinks?", pag-aalok nya sakin. Kinuha ko naman ito. Akala ko ay aalis ng sya ng bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya.
"Ahmm...", uminom muna sya sa inumin nya saka tumingin sakin. "Inimbita ako ni Corbin, yung may-ari netong bar, kailangan nya daw kasi ng katulong lalo na at may magpaparty nga dito", sagot nya. I nodded and quietly sipped on my drink.
Sobrang wild ng crowd dahil nasa isang malaking kwarto lang kami at halos lahat ay sumasayaw na. Hinahanap ko sila Hera at Claire ng mahagilap ko sila, may kausap na ilang kababaihan si Hera samantalang sumasayaw naman si Claire sa gitna.
Nahihilo talaga ako sa ilaw dahil hindi naman ako sanay na umiinom sa bar, umiinom lang ako kapag kasama ko sila Hera at nasa condo lang kami, para safe na rin.
Magkatabi parin kami ni Alexander hanggang ngayon, parehong nakatingin sa mga taong nagsasaya sa gitna at patuloy na umiinom.
Sinubukan kong tumayo para puntahan si Hera pero nung tumayo ako ay medyo nahilo ako at napasapo sa noo ko. Good thing na napahawak ako sa may couch kaya di ako natumba.
"Hey, are you okay?", may humawak sa braso ko at inalo ako para makaupo ng ayos. Di ko namalayan na nakatatlo na pala ako ng inumin. Alam ko naman na mahina talaga ako sa alak.
"I'm okay", sabi ko kay Alexander. Sumandal ako at tinakpan ko ang mukha habang mabibigat ang paghinga.
"Here, inom ka muna, may gamot din ako dito", inabot nya sakin ang tubig at gamot, bago pa man ako makainom ay nakaramdam ako ng badya sa pagsusuka.
Tinakbo ko papunta sa cr kahit pa naka-skirt ako, pumasok ako sa isang cubicle at nagsuka sa toilet.
"Hey! Are you okay?!", sigaw ni Alexander na nasa may pintuan ng entrance ng cr. Pinunasan ko ang bibig ko matapos kong magsuka, humarap ako sa salamin at inayos ang sarili ko, kitang-kita ang pamumutla ko.
Lumabas na ako ng cr at naabutan ko si Alexander na may hawak na bote ng tubig, tissue at paperbag na may lamang gamot.
"Okay ka lang ba? Ang putla mo", puno ng pag-aalalang sambit nya. Tumango lang ako at saka nya ako inaalayan pabalik sa couch.
Nang makaupo kami ay tinapik ko ang braso nya.
"Pwede bang favor? Pakitawag naman si Hera, yung kasama ko kaninang babae", sambit ko sa kanya. Tumayo sya at luminga-linga para hanapin si Hera.
Nanatili akong nakaupo at sapo-sapo ang noo dahil sa sobrang pagkahilo.
"What happened to you? Okay ka lang ba Lorenn?", tanong ni Hera nang makalapit sya sakin. "Gusto mo na bang umuwi?", tanong nya.
"Hindi pa tayo pwedeng umuwi, di natin pwedeng iwan si Claire dito, okay na ako dito sa gilid", sagot ko. Napabuntong hininga naman sya.
Tumayo sya at nilapitan si Alexander para bulungan. Nakita ko naman na tumango si Alexander.
"Okay, since ayaw mo namang umuwi, dito nalang muna ako para mabantayan kita", sabi nya.
"No, no, wag na. Di mo ma-eenjoy ang party kung dito ka lang at nagbabantay sakin, okay lang naman ako, mag-party ka na, hihintayin ko nalang kayo ni Claire", sagot ko.
"Hindi naman pwede na magsaya ako habang walang nandito para samahan ka", mabilis nyang sagot sakin.
"I can take care of her for a while", biglang singit ni Alexander. Kita ko sa mukha nya na seryoso sya.
Napatitig naman kami ni Hera sa kanya. Tumango si Hera at nilapitan ito. May sinabi sya pero di ko narinig dahil maingay dito.
"Okay Lorenn, I'll be with Claire ha? Alam mo naman yun, baka lasing na. Alexander is here to accompany you, okay lang ba?", tanong nya. Wala naman akong choice at gusto ko rin syang makapag-enjoy kaya tumango ako at ngumiti sa kanya. Ngumiti sya pabalik.
"Just call me if you need something...", sabi nito sakin. "And kung may emergency, just look for me", paalala nya naman kay Alexander. I nodded at saka naman sya umalis. Umupo ulit sa tabi ko si Alexander.
"Ahmm... You can now enjoy the party, okay na ako dito", sabi ko. Di ako makatingin sa kanya kasi sobrang awkward ng atmosphere.
"No, okay na ako dito, mas okay ako pag nandito", lumingon ako sa kanya at kita ko na deretso lang ang tingin nya sa harap.
"Okay... I'm sorry kung kailangan mo pang magstay dito para batayan ako", yumuko ako.
"I insist, okay lang sakin, wag ka na magsorry. Gusto mo bang lumabas? Masyadong crowded dito eh", tumango ako at inalalayan nya akong tumayo.
Nasa second floor kasi ang mga VIP rooms at may balcony dito kaya dito muna kami nagstay. Umupo kami sa magkabilang side ng bench na nandun, nagkakailangan sa isa't isa.
"Ahmm", halos magkasabay na utal namin.
"Ikaw na mauna", sabi nya sa akin.
"Ahh... Salamat pala", sambit ko.
"Salamat saan?", takang tanong nya, sumandal sya sa upuan habang nakatingin lang sa harap.
"Sa pagtulong sakin kanina tsaka dito... Sa pagsama sakin", nahihiyang sabi ko, napayuko tuloy ako. I heard him giggled. Napatingin tuloy ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti.
"Bat ka natawa?", tanong ko, pabiro ko syang tinarayan. Mas lalo lang siyang natawa.
"Wala naman. Wala yun, wag ka mag-thank you, gusto ko din naman....", sambit nya habang tumatawa, nabigla ako sa huling sinabi nya. Pati sya ay natigil sa pagtawa ng mapagtanto ang sinabi.
"H-Ha?", tanong ko.
"Ahh wala yon!", tumawa sya. " Kalimutan mo na yung sinabi ko", dagdag nya pa.
YOU ARE READING
Unpleasant Sunrise
Teen FictionLorenn, a perfect lady, will encounter the biggest lie of her life. A miserable life will open for her, and she will face the truth about herself. Will she be able to know the whole truth alone? Or with a special person who can help her in finding...