Maaga akong nagising dahil sa alarm ko, I have an early class this morning kaya naligo na ako agad at pumili ng susuotin. Nandito padin ako sa bahay namin sa Manila, pagkatapos kasi tumawag ni Claire kahapon ay nakaidlip ako dahil sa sobrang pagod. Its already 5:26 am and I'm ready to go, I'm wearing a checkered skirt and a black off shoulder top with my lace up black ankle boots.
I don't have a chance to eat breakfast with my mom, I just bid my farewell and enter the car. Bella and Kuya Renz are with me everytime I go to Laguna because Mommy insisted. Gusto daw nya na may nakabantay padin saken.
"Mam, di pa po kayo kumakain, gusto nyo po ba na magdrive thru po?", Kuya Renz asked.
Madalas nya akong tanungin ng ganto lalo na kapag alam nyang di ako nakakain. Yun din kase ang palaging binibilin sa kanila ni Mommy, na wag akong hahayaan na magpalipas ng gutom. I know na di paden sila kumakain kaya tumango ako sa kanya.
"Yes po Kuya Renz, let's grab our breakfast", I said. Tumango ito pabalik at humanap ng kainan.
I ask Kuya Renz to find Starbucks dahil nagcecrave ako ng coffee. In a few minutes, the car stopped.
"Bella, ikaw nalang umorder. I want a hot caffe latte and a glazed doughnut. Also get an order for yourself and Kuya Renz okay?", I asked and she nodded. Inabot ko sa kanya yung card ko at tinanong nya si Kuya Renz kung anong gusto nya at saka bumaba ng kotse. While waiting for Bella, I checked my social media accounts. I opened my Instagram and I saw a new notification.
lxndrzzy started following you.
Agad na napataas ang kilay ko. Sino naman 'to? Tss.
Di ko nalang yun pinansin at nagscroll nalang sa feed ko. Ilang saglit lang ng bumalik na din si Bella na may dala ng tatlong cup at isang paper bag. Inabot nya na agad sakin yung card ko at yung order ko. Hinayaan ko nalang muna sila kumain bago kami umalis. 8:30 am pa naman ang class ko at lagpas 6 am na.
Deretso na ako sa school habang sila Bella at Kuya Renz nalang ang pinaderetso ko sa bahay namen. Iniwan ko na yung iba kong mga gamit sa kotse. Dinala ko lang yung isang lecture notebook ko, ilang papers na ipapasa at yung laptop ko. I messaged Hera kung nasa school na ba sya, di ko na sya nadaanan kanina dahil di ko rin alam kung umuwi na ba sya kahapon.
To: Hera
Nasa school ka na? Nandito na ako sa may cafeteria. I haven't eat breakfast yet.
Umupo ako sa isa sa mga bakanteng seats sa cafeteria habang hinihintay ang reply ni Hera. Some of the students are looking at me at parang gusto lumapit. Nginitian ko nalang sila, ayoko kasi na mag-cause ng ingay at gulo dito sa cafeteria. My phone rang kaya sinagot ko agad ang incoming call.
Hera Calling...
[I'm here at the library, inaayos ko lang mga papers ko. Wait lang puntahan kita dyan]
"Kumain ka na ba? Sabay na tayo kumain oh", I asked. Matamlay yung boses nya tsaka parang may sakit.
YOU ARE READING
Unpleasant Sunrise
Teen FictionLorenn, a perfect lady, will encounter the biggest lie of her life. A miserable life will open for her, and she will face the truth about herself. Will she be able to know the whole truth alone? Or with a special person who can help her in finding...